Mayor, tutol sa extension ng curfew sa mga inuman

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinanggihan ni Mayor Mauricio Domogan ang amendment resolution para mapalawig hanggang 3am ang operasyon ng mga bars sa lungsod.
Pahayag ng alkade, ang mga entertainment establishment o bars sa lungsod ay hindi puwedeng mag-operate ng lagpas sa alas-dos ng umaga ngayong Panagbenga.
Ani Domogan, hindi naman ang inuman ang ipinunta ng mga turista, kundi ang mga tourists spots at Panagbenga Festival sa lungsod.
Naisip niya rin na mas ikabubuti ito ng mga mamamayan dahil marami na ang mga inireport na gulo sa Baguio police. Ilan sa mga gulong ito, umaabot pa sa pisikal na pananakit ng mga taong sangkot.
Dagdag pa ng alkalde na ang kanyang pagtutol ay dahil sa ayaw nitong isipin ng mga turista na ang Baguio ay isang lungsod ng inuman.
Ang mga lalabag sa curfew ng bars at night establishments ay magmumulta ng P1,000 para sa unang paglabag; P2,000 sa ikalawa; P4,000 o pagkakulong o community service sa ikatlo; at P5,000 para sa ika-apat na pagkakataon at ang pagpapasara ng establisimiyento.
Sang-ayon naman ang ilang mga residente sa naging desisyon ni Mayor Domogan.
“Okay naman na 2am magsara yung mga inuman, actually late na nga yun e. Siyempre mahirap na, mamaya may lasing tapos manggugulo lang lalo na madaming tao sa Session in Bloom,” sabi ni Paulyn Geslani, isang residente.
Ayon naman kay Ruth Bautista, “Okay sa akin yung ganung oras para iwas gulo na sa kalsada. Kawawa naman kasi yung mga inosenteng nadadamay sa gulo.”
Isa ito sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Baguio at city police upang mapanatili ang kapayapaan ng lugar sa kasagsagan ng Panagbenga Festival.
Inaasahan na bababa ang incident reports ng mga gulo sa kalsada ng madaling araw upang mas maging kampante sa pamamasyal ang mga residente at mga turista sa Baguio lalo na ngayong bukas ang Market Encounter sa Lake Drive sa Burnham Park at Session in Bloom naman sa Session Road na pawang bahagi sa pagdiriwang ng Panagbenga. RC BJON C. CATACUTAN, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest