URDANETA CITY
Nabigyan na ng katarungan ang isinampang reklamo ng isang Barangay Chairman at Presidente ng Liga ng mga
Barangay laban sa Mayor at Vice Mayor ng Urdaneta, matapos ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kabuuang isang taon na suspension sa dalawang kasong isinampa sa kanila. Sa inihaing sulat ni DILG – Region 1 Director Jonathan Paul Leusen, Jr.,noong Enero 7, ay ipinapatupad ang pagsuspinde kay Mayor Julio Parayno,III at Vice Mayor Jimmy Parayno ng anim na buwan sa bawat offense na Grave Misconduct and Grave Abuse of Authority o sa kabuuang 12 buwan.
Ang suspension order ay base sa memorandum na ginawa ni Lucas P. Bersamin, executive secretary, Office of the President and memorandum issued ni Atty. Romeo Benitez, undersecretary for External, Legal and Legislative
Affairs, noong Enero 3, matapos ang masusing imbestigasyon sa kasong isinampa ni Punong Barangay Michael Brian Perez,ng Barangay San Vicente, Urdaneta City, noong Oktubre 28,2022.
Sa testimonya ni Perez, noong Hunyo 15, 2022, ay inisyuhan siya ni Mayor Parayno ng Notice of Suspension na inilalagay siya sa indefinite suspension na ibinase sa isang Manifesto noong Hunyo 14,2022 na inaalis si Perez bilang Liga ng mga Barangay (LNB) President at ex-officio member ng Sangguniang Panlungsod ng Urdaneta City. Ang nasabing Manifesto ay nilagdaan ng 33 out of 34 Punong Barangays ng LNB. Dahil sa kanyang pagkakasuspinde, humingi si Perez ng paglilinaw at interbensyon mula sa tanggapan ng National President of the LNB,Office of the Provincial Board of Lingayen,Pangasinan at DILG.
Sa isang sulat noong Hunyo 20,2022 ng National Liga President na si Eden Pineda, ipinalagay niya na ang pagtanggal kay Perez ay malaki at mali sa pamamaraan, na nagpapawalang – bisa. Ipinasiya ni Pineda na si Perez ay may karapatan pa rin sa kanyang office at kinikilala pa rin bilang Pangulo ng Liga. Sa kanyang sulat noong
Setyembre 2,2022, pinayuhan ni DILG Provincial Director Paulino Lalata, Jr., si Mayor Parayno na ang June 14
Manifesto ay hindi valid ground para sa indefinite suspension kay Perez at walang legal na basehan sa ilalim ng LNB Constitution and By-Laws.
Noong Setyembre 5,2022, sumulat si Mayor Parayno kay Lalata na ipinaalam sa kanya na inalis na ang indefinite
suspension kay Perez ayon sa kanyang memorandum noong Setyembre 8. Sa kabila ng pagtanggal sa kanyang indefinite suspension, iginiit ni Perez na sa regular na sesyon ng SP noong Oktubre 5, tumanggi si Bise Mayor Parayno na kilalanin siya bilang isang ex-officiol member ng SP at tumanggi siyang makilahok sa deliberasyon doon.
Ayon kay Perez, nalaman niya pagkatapos na ang halalan ng isang bagong hanay ng mga opisyal ay idinaos noong
Oktubre 4, kung saan si Punong Barangay Cheryl Del Prado ay binoto bilang Pangulo ng LNB. Sinabi ni Perez na kinilala ng SP ang nabanggit na halalan sa pamamagitan ng isang resolusyon na inilabas sa regular na sesyon noong
Oktubre 5, kung saan iginiit ni Mayor Parayno, na naroroon noon, na igagalang niya ang halalan ng bagong hanay ng
mga opisyal.
Noong Enero 24 2023, mula sa Answer with Affirmative and Special Defenses nina Mayor Parayno at Vice Mayor Parayno, iginigiit nila na ang June 15 Notice of Suspension ay inilabas bilang resulta ng June 14 Manifesto na gumagalaw para sa pagtanggal kay Perez na sinundan ng reorganization ng LNB noong Mayo 16 ay alinsunod sa Section 63 ng Local Government Code na nagtatakda na ang preventive suspension ay maaaring ipataw ng Mayor kung ang sumasagot ay elective official ng barangay.
Iginiit nila na ang batayan ng mga opinyon ng National Liga President at DILG ay ang LNB Constitution and By Laws na hindi maaaring mag prevail sa mga provision ng LGC. Noong Marso 2,2023, naglabas ang Office of the
President ng kautusan na nagpapasa ng mga talaan ng kaso sa DILG para sa pagsasagawa ng imbestigasyon. Noong
Disyembre 26 2024, ipinadala ng DILG ang ulat at rekomendasyon nito sa kasong administratibo sa Opisina ng
Pangulo. Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso, ang Office of the President ay sumasang ayon sa DILG at napag-alaman na sina Mayor Parayno at Bise Alkalde ay mananagot para sa Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority.
ZC/ABN
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025