Mekaniko, dinakip sa kasong 4 counts of rape

CAMP DANGWA, Benguet – Isang mekaniko na akusado sa panggagahasa sa 15 taong gulang na babaeng Grade 8 student at tinaguriang Benguet No.1 Top Most Wanted Person, ang nadakip sa
Buguias,Benguet. Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, nadakip ng mga tauhan ng Buguias Municipal Police Station, ang suspek na Joseph Bacalan Sison, 29, mechanic, tubong Alaminos City, Pangasinan at nakatira sa Abatan, Buguias, Benguet.
Ayon kay Ragay, si Sison ay nadakip noong Oktubre 22, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Daniel Mangallay, ng Branch 64, RTC, First Judicial Region, Abatan, Buguias, Benguet sa kasong four counts of Rape.
Ayon kay Ragay, ang father ng biktima ang nagsampa ng kaso laban sa suspek, matapos malaman na inabuso nito ang kanyang anak ng tatlong beses noong Hulyo at isang beses noong Agosto 2020 sa may Bekes, Buyacaoan, Buguias.
Lumitaw sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Hulyo 2020 nang yayain umano ng suspek ang biktima sa kanyang boarding house, matapos isauli nito ang bisikletang hiniram na pag-aari ng suspek.
Ang ikalawang insidente ay naganap sa may alley ng auto shop, nang hilahin umano ng suspek ang biktima at inabuso.
Ang ikatlong insidente ay naganap din noong Hulyo habang ang biktima ay patungo sa boarding house ng suspek para hiramin ang bisekleta nito, pero hinila ang biktima sa kuwarto ng suspek. At ang huli ay noong Agosto 5,2020, nang bitbitin ng suspek ang biktiama pataungo sa kanyang boarding house at muli umanong inabuso.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon