MENOR DE EDAD NASAKOTE SA BUY-BUST OPERATION

BAGUIO CITY (JAN. 22, 2021)—Isang 17 anyos na batang lalaki na maituturing na menor de edad pa ay nadakip sa pagbebenta ng shabu sa isang naganap na buy-bust operation noong nakaraang araw sa barangay Irisan sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa ulat ng Precinct 7 ng Baguio CityPolice Office (BCPO) nahuli ang batang suspek sa na nagbebenta umano ng dalawang malilit na plastic na may laman di umano ng shabu sa mga otoridad na nagpanggap na mga buyer ng shabu.
Napag-alaman na ang suspek ay nakatira di umano sa Barangay Quezon Hill. Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang maliliit na plastic na may lamang shabu na may timbang na 0.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P3,400 base sa ipinaguutos na presyuhan sa market value ng Drug Dangerous Board (DDB).
Sa isinagawang inventory at pagsasaayos ng mga ebidensya ay nakaharap sina Prosecutor Oliver Isabelo Prudencio, Punong Barangay Arthur Carlos ng Irisan Barangay at Charles Niko Limon of Bombo Radyo.
Ang batanag suspek ay nasa kustodiya muna ng Precinct 7 habang inaayos pa ang kaukulang papeles upang mai turn over ito sa tanggapan ng Department of Social and Welfare and Development-Cordillera. Sinampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9165 ng Comprehensive dangerous Drugw Act ng 2002 o pagbebenta ng iligal na droga ang naturang batang suspek.
TFP

Amianan Balita Ngayon