Mga alalahanin sa Plastic Ordinance, inihayag ng publiko

Nakalap sa ipinatupad na solutions forum and write shop ng pamahalaang lungsod ang mga pananaw at mungkahi mula sa publiko para matapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Ordinance No. 36 series of 2017 o ang Plastic and Styrofoam-Free Baguio City Ordinance.
Ayon sa General Services Office, sa pamamahala ni officer-in-charge Eugene Buyucan, na siyang nanguna sa task force upang ipatupad ang pansamantalang IRR, na lahat ng reaksiyon at rekomendasyon ay pinagtibay at kasalukuyang binubuod para maisumite sa monitoring at oversight committee na pinangungunahan ni City Environment and Parks Management Officer Cordelia Lacsamana bilang action officer.
Base sa inputs, tatapusin ng komite ang IRR upang maisumite may Mayor Mauricio Domogan at ng konseho para maaprubahan.
Sinabi ni Buyucan na ang resulta ng write shop ay naglalaman ng mga mungkahi para sa tatlong-buwan na grace period upang pahintulutan ang mga residente na higit pang mag-adjust sa buhay na walang plastic at paganahin ang business sectors na maubos ang kanilang natitirang stocks.
Isa pang kapansin-pansing pananaw na lumabas ay ang posibilidad ng paggamit ng sando bags mula sa primary packaging lalo na ang grains at wet goods.
Iminungkahi rin ang posibleng alternatibo sa mga materyal na plastik lalo na sa pagtatapon ng basura.
Binigyang-diin ni Domogan na tumanggap sa mahigit 200 participants sa nasabing forum, na kinakailangan ng lungsod na maging plastic-free at makipagtulungan ang mga residente upang makamit ang layuning maprotektahan ang kapaligiran at kalusugan ng mamamayan.
Inamin niya na mayroong mga malabong bahagi tulad ng pangangailangang makahanap ng alternatibo sa plastic bags para sa mga wet items at alalahanin sa paggamit ng paper bag bilang kapalit ng plastic, ipinahayag niya ang pag-asa niya na ang mga ito ay matutugunan sa tulong ng stakeholders.
“One thing is clear, what is prohibited is only those plastic materials that are damaging to the environment and we hope that technology will continue to improve to provide an answer to this need for plastic materials that are safe for our environment,” aniya.
Sa isinagawang forum, nagbigay si Councilor Peter Fianza ng overview ng panukala at hinikayat ang mga participant upang maunawaan ang layunin ng panukalang-batas.
Ayon naman kay Councilor Mylen Yaranon, ang ordinansa ay hindi anti-poor na bansag ng ilan sa mga tagapagsalita na nagsasabing ang panukalang batas ay nakakaapekto lamang sa mga maliliit na negosyante at sa gayon ay hinahadlangan sila sa kanilang kabuhayan.
“Plastic was practically unknown in the old times and I think we can try to replicate that way of life for the sake of our environment and our future generation,” aniya. A.P. REFUERZO / ABN

Amianan Balita Ngayon