Mga atleta ng CARAA 2017, nagsidatingan na

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa pagbubukas ng Panagbenga ay dumating na rin ang iba’t ibang kinatawan at atleta ng rehiyon para sa Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet sa ika-4 hanggang ika-8 ng Pebrero 2017.
Nauna rito ay napiling muli ang Baguio para mag-host sa naturang paligsahan ng pampalakasan.
“We have no choice but to host it again. Wala namang nag-interest na ibang probinsya na mag-host sa CARAA 2017,” ani Mayor Muricio G. Domogan sa kanyang Ugnayan.
Aniya, makakadagdag ito sa gastusin ng lungsod ngunit hindi maaaring walang CARAA ngayong taon.
Sinabi ng alkalde na malaki ang pag-asa niya na sa susunod na CARAA ay may ibang interesadong mag-host.
Kasamang tinalakay ng mayor ang mga pasilidad, seguridad at incentives ng mga dadalong atleta.
Ayon Domogan, “magiging maayos at malinis ang pasilidad na gagamitin ng mga bata na makikilahok sa paligsahan, pati seguridad tututukan. Gagamitin din natin ang Athletic Bowl para sa gaganapin na kompetisyon. Yung incentives naman ng ating mga atleta ay mayroong appropriation. Yung pagsumite ng mga requirements, kailangan sa accounting at auditing procedures para hindi na naman ma-delay yung pagbayad ng incentives.”
Ayon naman kay Romulo Flora, Secondary School Principal IV ng Baguio City National High School, “wala namang nakikitang problema sa ngayon, pagdating naman sa tubig hindi naman nagkukulang. Ganoon din sa pagkain, actually maganda na dito ginanap sa Baguio.”
Aniya, karamihang sumali sa CARAA ay galing lahat sa naturang paaralan. Aabot sa 750 ang mga Baguio delegates na binubuo ng mga atleta, coaches, mga opisyal, magulang at supporters.
Samantala, naaksidente ang isang 16 anyos na babaeng atleta habang nagsasanay sa softball noong Enero 17, dakong 4:30 ng hapon.
Ayon kay Flora, na-fracture ang kamay ng bata at hindi na ito makakapaglaro sa CARAA.
Aniya, sinusuportahan ng divison office ang pampaospital sa bata. Ma. Carmina C. Lipio, UB Intern

Courtesy call

Latest News

Amianan Balita Ngayon