BAGUIO CITY
Ipinahayag ng tanggapan ng Baguio City Police Office na nakabalik na at ligtas ang mga batang nawawala diumano sa kanilang mga magulang at tahanan. Ito ang naging pahayag ni Acting Public Information Officer P/Major Harriet Bulcio sa isinagawang Ugnayang Panlungsod noong Hulyo 23, 2024 na kung saan ay may naiulat na 18 katao ang
nawawala mula pa noong Enero hanggang sa buwan ng Hulyo 2024 .
Ayon kay Bulcio lahat ng naiulat na nawawalang mga tao na kung saan ay karamihan ay mga batanga babae ay nahanap na umano at ligtas na nakauwi sa kani-kanilang tahanan. Sa salaysay ni Bulcio lahat diumano ng mga batang ito ay naglayas mula sa kanilang tahanan at tumuloy sa kanilang mga kaibigan na maari di uamnong sanhi ng problema sa kanilang pamilya o napagalita ng magulang at naglayas.
Noong una ay inakala nila na mga nawawalang mga bata ay maaring nakidnap or ginamit sa ibang crime activities subalit ang mga ito ay naglayas lamang. Samantala umapela naman si P/Col Francisco Bulwayan Jr city director ng
Baguio City Police Office sa mga magulangna pagtibayin nila ang kanilang maayos na relasyon sa kanilang mga anak at bigyan ng tamang disiplina upang hindi sila makaisip maglayas at malagay sa kapahamakan.
Sinabi rin ni Bulwayan na ang ibang kaso ng mga nawawalang bata ay masusi na nilang iniimbestigahan upang
malaman kung ano ang kanilang mga naging dahil ay kinasadlakan habang wala pa sila sa kanilang tahanan.
APR/Baguio-PIO
July 27, 2024
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025