Mga benepisyo sa dating mga rebelde handog ng gobyerno

LUNGSOD NG BAGUIO – May mga nakalaang benepisyo para sa mga dating rebelde na bumalik sa silong ng batas na idinaan sa ilalim ng whole of the nation approach to end local communist armed conflict (ELCAC) na programa ng gobyerno.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government Cordillera (DILG-CAR) Regional Director Marlo Iringan na mayroon pang mga benepisyo para sa mga dating rebelde (FRs) na dapat sana’y makukuha mula sa ilang kinauukulang mga ahensiya.

Inihayag niya ito sa kamakailang pagpupulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) cluster members ng Cordillera Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

Sa nakaraan, may mga pondo na idinaan sa DILG Regional Office sa ilalim ng CLIP program ngunit hindi gaanong nagamit dahil kaunti lamang ang bilang ng mga sumukong rebelde, ayon kay Iringan. Nabibigyan ang mga sumukong rebelde ng tulong pinansiyal, re-integration assistance, processing at administrative cost.

Sa ilalim ng E-CLIP, pinalawak ang mga benepisyo na kabilang ang tukoy na tulong mula sa iba’t-ibang national government agencies at nabigyan ng prayoridad.

Sinabi ni Local Government Monitoring and Evaluation Division chief Narleen Guerzon na may mga documentary requirements para sa mga FR upang makakuha ng re-integration assistance, immediate assistance, at pangkabuhayn gaya ng isang sertipikasyon na tinawag na Joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (JAPIC) na siyang pagmumulan ng isang tunay na FR at isang E-CLIP enrollment form.

Para sa National Housing Authority, may 30 natukoy na FR beneficiaries na maaaring makakuha ng alinman sa konstruksiyon ng bahay na nagkakahalaga ng PhP450,000, pagkukumpuni ng bahay na nagkakahalaga ng PhP100,000 o pagbili ng lote na nagkakahalaga ng PhP450,000.

Ang iba pang ahemsiya ng nagbibigay ng tulong sa mga FR ay ang Technical Education and Skills Development Authority para sa skills training, ang Department of Agriculture, Office of the Presidential Adviser on Peace Process sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program, ang Department of Social Welfare and Development, Department of Education at iba pa.

Sinabi ni Irigan na nais ng gobyerno na “magbigay ng liwanag sa mga dating rebelde na nasa kadiliman ng matagal na panahon, magbigay kasiyahan sa kanilang puso kung kalian hindi nila kayang tumayo sa sarili. Titiyakin naming na ang kapatawaran ay darating, at makaka-ambag kami nag awing mas mabuti ang kanila buhay.”

SCA-PIA CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon