TABUK, KALINGA – Siniguro ng provincial government ng Kalinga at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima sa nahulog na jeep sa bayan ng Balbalan hapon ng Setyembre 11.
Ayon kay Governor Jocel Baac na nagsimula na silang magbigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima gabi ng Setyembre 11.
Namahagi na ng pagkain at bigas ang provincial government sa pamilya ng biktima para sa unang gabi ng lamay.
Ibinigay din ang mga kabaong para sa mga namatay sa aksidente.
Idinagdag pa niya na patuloy pa rin ang assessment ng kondisyon sa mga nasugatang biktima upang malaman at ma-assess ang kanilang mga pangangailangan.
Sinabi ni Baac na ang financial assistance ay ibibigay agad kapag nakumpleto na ang assessment.
Ayon kay DSWD-Cordillera Director Janet Armas na nakikipag-ugnayan sila sa provincial office upang ma-assess at makilala ang mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga namatay at ng mga nasugatan upang maiabot nang maayos ang financial assistance ng pamahalaan.
Idinagdag pa niya na maliban sa resources ng DSWD, magbibigay din ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga biktima.
Ayon naman kay Senior Supt. Alfredo Dangani, Kalinga Police Provincial Director, na hinihintay nilang gumaling si Francisco Gumaad Jr., drayber ng jeepney, upang makuha ang kaniyang kwento.
Umaasa rin silang makapanayam ang mga nasugatan.
May 13 katao ang agad namatay at dalawa ang nasawi habang ginagamot sa ospital habang 24 naman ang sugatan nang ang pampasaherong jeep (WRR-535) ay nahulog sa 80-metrong lalim na bangin sa Dao-angan, Balbalan, Kalinga bandang 2:30pm ng Setyembre 11.
Ang mga biktima, na karamihan ay senior citizens, ay pauwi na galing sa Balbalan Municipal Hall matapos matanggap ang kanilang pay-out para sa ikatlong bahagi ng social pension na nagkakahalaga ng P1,500 mula sa DSWD.
“We are still pursuing the investigation. We hope to gather information from the driver and the victims to determine what transpired,” ani Dangani. J.MAGUIYA, PNA / ABN
September 17, 2018
September 17, 2018
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024