Mga gamot na ipinagkait, nabubulok lang sa bodega – DOH pabaya?

Opinion

Noong 2019 audit ng Commission onAudit (COA) para sa taong 2018 ay natuklasan nila na ang Department of Health (DOH) ay may mahigit PhP18 bilyon halaga ng mga gamot at medisina na nakatambak lamang sa kanilang mga bodega.

Mula 2015 ay nasa PhP10 Bilyon nang halaga ng overstocked na gamot at medisina na tumaas sa PhP11.3 bilyon noong 2016; sa PhP16 bilyon noong 2017; at PhP18.4 bilyon noong 2018. Natuklasan din ng COA na nasa PhP367 milyon halaga ng gamot at medisina ay halos expired na. Mahigit PhP19 milyon halaga ng malapit nang mag-expire na mga droga, medisina at medical at dental supplies na idedeliver sana sa 17 health facilities sa buong bansa.

Nasa PhP30 milyon ng droga atmedisina ang naideliver sa mga health facilities ang nagexpire na at nagresulta sa pagkasayang ng mga pondo ng gobyerno. Sinabi sa report ng COA noon na “ang pagkakaroon ng expired at malapit nang magexpire na inventory items ay hindi lamang napagkakaitan ang mga mahihirap na Pilipino na makakuha ng nauukol o kinakailangang mga benepisyo na ibibigay kundi kalaunan din ay magreresulta sa pagkasayang ngmaliit na pondo ng gobyerno.”

Kailangan daw ayon sa COA na dapat ipamahagi ng DOHangmga gamot kahit isang taon bagomag-expire omapaso ito sa petsa, alinsunod sa administrative order ng ahensiya.

Ayon pa sa report ng COA “The … constantly increasing balance of drugs and medicines for distribution on the DOH warehouses precluded the immediate provision of quality health service to the
intended beneficiaries of the different DOH health programs and is also reflective of ineffective inventory management of the [DOH,]”.

Kailangan pala na ayon sa rekomendasyon World Health Organization, ang storage level ay dapat nakabase sa isang average time ng distribusyon ng anim hanggang siyam na buwan – na hindi sinusunod ng DOH.

Bagkus ay natuklasan ng COA na ilang mga gamot ang hindi pa naipapamahagi noon na nanatili sa mga bodega ng DOH na umabot pa hanggang 51 na buwan. Pinuna rin ang patuloy na pagbili ng DOH ng mga gamot at medisina habang hindi nito natutugunan ang overstocking.

Nagduda in COA kung kumpleto ang ginagawang reporting ng DOH sa mga natitirang gamot na nasa kamay nito para sa distribusyon, na bilang isang department order ay pinapayagan nito na magdeklara ng isang bahagi lamang nito.

Nagbabala ang COA na kung hindi napupuna at naaayos ang “hindi epektibo at mahinang” provurement planning at inventory management, magdudulot ito ng “chilling effects” sa implementasyon ng Universal HealthCare law.

Bilang tugon sa audit report ay sinabi noon (nakaraang taon) na binigyanpansin na nila ang mga obserbasyon at magsasagwa ng mga nararapat na aksiyon dito. Nito lamang ay inilabas muli ng COA ang annual audit report nito para sa taong 2019 sa DOH at muling natuklasan ang nasa PhP2.2 bilyon halaga ng expired, overstocked o malapit nangmag-expire na mga gamot at medisina gayundin ang medical at dental supplies.

Ang mg aksiyon na ito ng DOH ayon sa COA ay paglabag sa Section 2 ng Government Auditing Code na nagsasabing “all resources of the government should be managed, expended or utilized in accordance with law and regulations, and safeguarded against loss or wastage through illegal or improper disposition, with a view to ensuring efficiency, economy and effectiveness in the operations of government”.

Ang pagkakaroon ng expired, overstocked at malapit nang mag-expire na inventory items ay isang patunay ng isang palalong paggasta dahil ang mga item na binili ay mas marami sa kinakailangan. Resulta ito ng poor inventory/supply management system covering procurement planning, monitoring, storage at acceptance/issuance/ transfer/distribution of goods.

Maraming taon na pala na paulit-ulit na nangyayari ito at sa mga panahong ito ay si Secretary Duque ang namumuno sa DOH, ngunit bakit tila walang aksiyon ang palasyo dito? Sa huling utos ni Pangulong Duterte ay ipamahagi na ang mga natitira at malapit nang ma-expire na gamot para pakinabangan ng tao ay tila malambot pa ito at tila hindi nakikita ang pagkakamali ng kaniyang Kalihim ng Kalusugan? Bakit tila walang nananagot dito? Sa bilyon-bilyon na halaga ng nasayang na gamot at pondo ng gobyerno, ilang milyong mahihirap na Pilipino ang napagkaitan ng benepisyo?

Ano bang bertud o gayuma mayroon si Secretary Duque at lumalabas na kahit nasa tungki na ng ilong ng Pangulo ang mga pagkakamali niya ay tila wala pa siyang naaamoy? Kahit man lang “command responsibility” ang maging basehan niyo Pangulong DU30…