Mga grupo ng magsasaka sa Ilocos nakabenta ng P105-M sa gitna ng pandemya

Provincial

Nasa 12 agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) Rehiyon ng Ilocos ang nakapagtala ng PhP105.3 milyon na benta mula Enero
hanggang Agosto ngayong taon sa pamamagitan ng marketing assistance ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) project nito.

Sa isang virtual Kapihan sa Ilocos noong Miyerkoles (Setyembre 22), sinabi ni DAR Ilocos regional director Primo Lara na ang benta ng mga ARBO ay nalagpasan na ang kabuuang benta ng nakaraang taon na PhP54.7 miylon.

Ang mga ARBO ay binubuo ng 172 agrarian reform beneficiary farmers sa rehiyon habang mayroong 13 institutional markets mula sa
Department of Education, Department of Agriculture, Bureau of Jail Management and Penology, local government units, at iba pa, na bahagi ng EPAHP project, ani Lara.

Sa usapang benta, sinundan ng Ilocos Region ang Eastern Visayas Region na nakabenta ng PHP171.5 miyon halaga ng mga produkto sa unang walong buwan ng taon Maliban sa support services, sinanay din ng DAR ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Village-Level Farm Enterprise Development (VLFED), Farm Business School (FBS), at ng Linking Smallholder Farmers to Market with Microfinance (LinkSFarMM) project.

Iniugnay ng DAR ang mga ARBO sa institutional market na hinihingi ang supplemental feeding bilang bahagi ng kanilang papel sa EPAHP project.

Samantala, pinuri ni Jovelyn Laroya Carrera, treasurer ng Inabaan Norte Agricultural Multi- Purpose Cooperative sa probinsiya ng La Union ang DAR at iba pang national government agencies para sa EPAHP project.

”Nakatulong ng malaki sa amin kasi nabenta namin mga goods namin sa hospital. Kahit nabawasan ang kita namin dahil sa pandemic ay nakabawi din dahil sa proyektong ito. Sila ang in charge sa marketing at kami naman sa paglikom ng mga gulay at ibang pananim,” sinabi niya sa isang hiwalay na panayam.

Ang EPAHP ay kung saan nagtitipon ang mga institusyon ng gobyerno upang suportahan ang mga mahihirap na tao sa kanayunan, ayon sa DAR.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)