Mga “investors” binalaan laban sa matamisna- magsalitang pre-paid loading firm

LUNGSOD NG BAGUIO – Binalaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga “investors” laban sa isang “matamismagsalita” na pre-paid loading na kompanya na nangongolekta ng malalaking halaga ng investments na sa kalauna’y itatakbo.
Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga “investors” mula sa kalakhang mga probinsiya sa Hilagang Luzon na umano’y nabiktima ng SPVTOP International Inc., isang self pre-paid loading firm na itinatag noong 2012, na may mga opisina sa Baguio City at Quezon City.
Tatlong kasong estafa ang naipila na laban sa mga opisyal ng SPVTOP International Inc. – Brick Agcopra, CEO/President and General Manager; Leila Agcopra, finance and administrative officer; Elena Pieda, CEO; Eden Velasquez, board member; Hilario Valesquez, board members; Harry Agcopra, business development manager; Andrei Agcopra, network development manger; actor Ricardo Cepeda, product ambassador; Marlon Dizon, training and development director; Clint Tayag, operations manager; Ron Metica, overall consultant; and Napoleon Agra, agent/recruiter/consultant, at the Cagayan Provincial Prosecutor’s Office sa bayan ng Sanchez Mira. Sila ang unang grupo ng nagrereklamo, ani NBI Agent Gerald Batule.
Ang ikalawa at ikatlong grupo ng mga nagrereklamo ay nakatakdang magpila ng mga kaso, ani NBI-Laoag. Mahigit 1,000 “investors” ang napaulat na nagoyo sa mga baying ng Claveria at Sanchez Mira sa Cagayan kung saan nakakolekta ang SPVTOP Int’l. Inc. ng PhP500 milyon na investments.
May kabuuang PhP1.5 milyon ang nakuha mula kay Police Executive Master Sergeant Diomedes Ancheta na kasalukuyang nakatalaga sa Bangui,Ilocos Norte ngunit isang residente ng Claveria, Cagayan.
Sa kaniyang reklamo sa Cagayan Procvincial Prosecutor’s Office sa Sanchez Mira ay sinabi niya naengganyo siya na mag-invest noong Pebrero ng PhP650,000 sa pangako ng SPVTOP Int’l. Inc. na walong porsiyento interest buwanbuwan sa pamamagitan ng 12 post-dated checks, kung saan sa ika-12 ay ang principal na halaga na PhP650,000 at interest nito.
Noong Abril ay itinaas ni SPVTOP Int’l. Inc, CEO/President’General Manager Agcopra at mga opisyal nito ang buwanang interest of investments sa 10 porsiyento para sa mga nakarating sa PhP1 milyon na investment. Muling naengganyo sa alok na ito, dinagdagan ni Ancheta ang kaniyang PhP650,000 initial “investment” ng PhP708,000 at isa pang PhP52,000. Inisyuhan siya ng 12 BPI checks sa ilalim ng SPVTOP Int’l. Inc. account na pirmado ni Agcopra.
Sinabi ni Ancheta sa NBI-Laoag na na-encash niya ang kaniyang BPI checks mula Mayo hanggang Agosto ngunit hindi ang Setyembre hanggang Oktubre na mga cheke, na nag-udyok sa kaniya na ipagbigay-alam sa kaniyang recruiter na si Napoleon Agra na sinigurong babayaran siya sa Oktubre 15. Hindi nangyari ang pangako, ayon sa pulis.
Sinabi ng nagrereklamong pulis na nalaman din niya na iba pang investors sa Claveria, Cagayan ay dumanas din ng parehong karanasan na nag-udyok sa kaniya na humingi ng tulong sa NBILaoag.
Dalawampu pa na nagrereklamo mula Laoag City sa Ilocos Norte ang humingi ng tulong sa NBI, ani Agent Batule, at idinagdag na may 50 biktima sa probinsiyana may kabuuang investments na PhP35, 850,000.
Sinabi ni NBI-Laoag District Office chief Atty. Diosdado Araos na pinatunayan ng Securities and Exchange Commission sa Baguio City na nakarehistro sa kanila ang SPVTOP Int’l. Inc. subalit hindi sila awtorisadong lumikom ng investments.
 
AAD/ABN
 

Amianan Balita Ngayon