MGA KAPULISAN SA IFUGAO ISINAGAWA ANG FADCHANG

Sa Ifugao, muling ipinakita ng mga kapulisan ng Ifugao PPO ang buhay na buhay na kultura ng fadchang sa
pamamagitan ng pagtulong sa isang lolo sa Brgy. Viewpoint sa bayan Banaue. Ayon sa Ifugao PPO, dumulog sa kanilang opisina si Lolo Eduardo upang humingi ng tulong sa pagsesemento ng flooring ng kanyang pinapatayong bahay.

Dahil nakaugalian na sa Ifugao ang pagtulong sa mga kagayang mga gawain ay agad naman umaksyon ang mga kapulisan ng Ifugao PPO. Sa pagtutulongan ng mga residente at ng mga kapulisan ay mabilis naman natapos ang pagbubuhos sa bahay ni lolo, dahilan upang makatipid sya sa oras at gastusin.

(PROCOR-PIO)

Amianan Balita Ngayon