Mga manggawa sa CAR tataas ang sahod epektibo sa Nob.18

LUNGSOD NG BAGUIO – Makakakuha ng maagang pamasko ang mga manggagawa sa Cordillera Admistrative region (CAR) epektibo sa Nobyembre 18 sa pagpapatupad ng Wage Order (WO) 20, na nagbibigay sa kanila ng PhP30 at PhP45 umento sa sahod sa lahat ng minimum wage earners anuman ang bilang ng mga empleyado at ng sektor.
Ang lahat ng wage earners sa Baguio, La Trinidad sa Benguet at Tabuk City sa Kalinga ay makakatanggap na ng PhP350 bawat araw mula sa dating PhP320 habang ang ibang lugar sa rehiyon ay tatanggap ng PhP340 mula sa PhP315, base sa kautusan na inilabas ng Regional Tripartite Wage and Productive Board (RTWPB).
Maliban sa pagtaas, ang PhP10 cost of living allowance (COLA) ng mga empleyado ay isasama sa minimum wage epektibo sa Mayo 1, 2010 na magkakaron ng epekto sa komputasyon ng 13th-month pay at retirement benefit ng mga empleyado.
“The adjustment in the wage was a result of the motupropio (on its own) decision of the RTWPB to revisit the wages in the region after the one year anniversary of wage order 19 in Aug. 20,” ani Exequiel Ronie Guzman, Department of Labor and Employment (DOLE) Cordillera regional director and RTWPB sa isang press conference noong Martes.
Sinabi niya na kinonsulta nila ang iba-ibang probinsiya ng rehiyon, tiningnan ang mga panukala at counter proposals ng iba’t-ibang mga sektor. Sinabi ni Guzman na sa pagkakaroon ng adjustment, apat na bagay ang isinaalangalang – pangangailangan ng mga manggagawa at pamilya nila, kapasidad ng employer na magbayad, competitiveness ng sahod ng rehiyon sa kalapit na mga rehiyon at pagkakaroon ng isang pinasimple at madaling ipatupad at imonitor na wage order.
Sinabi niya na ang PhP350 ay sa pagitan ng PhP340 ng Rehiyon 1 (Ilocos) at minimum wage ng Rgeion2 (Cagayan Valley) na PhP360. Inaprubahan ng RTWPB ang WO 20 noong Agosto 1 na pinagtibay ng National Wages Productivity Commission noong Oktubre 29. Nailathala ito noong Nobyembre 3 sa isang pahayagan na may general circulation sa Cordillera at magiging epektibo matapos ang 15 araw o sa Nob. 18.
“Maagang pamasko po ito (This is an early Christmas gift) which our workers might receive together with their 13th-month pay,” pahayag ni Guzman. Sinabi ni Renerio Lardizabal Jr., isang RTWPB labor representative na ang halaga ng adjustment ay ikinonsidera ang kapasidad ng employer na magbayad.
“This was decided on so as not to result in retrenchment. Mas maganda na tuluy-tuloy ang pagkita ng mga manggagawa kesa may tamaan na iba na kawawa naman dahil male-lay off dahil sa di na kaya ng kumpanya na magbayad,” aniya. Sinabi niya na ang panukala mula sa sektor ng manggagawa ay sa pagitan ng PhP60 at PhP100
na pagtaas.
Ganunman, sinabi ni Lardizabal na nakipag-negosasyon sila na angCOLA ay gawing bahagi ng basic salary na sinang-ayunan ng management sector. Sinabi ni Juan Johnny dela Cruz, management sector representative na isinaalang-alang din nila ang halaga ng pagtaas sa kontribusyon sa Pag-IBIG.
“We also considered the mandatory social contribution that the employers are handling. I believe the employer sector has agreed to a 50 percent increase in the contribution of the employees,” aniya.
Ibig sabihin nito ayon kay dela Cruz na ang pagpapaluwal ng kahit PhP50 karagdagan na kontribusyon ng employer ng kanilang mga empleyado. Sinabi ni Myrna Pablo, regional director ng Departent of Trade and Industry (DTI) Cordillera na ayon sa Philippine Statistics Authority, ang CAR ay mayroong 18,783 micro-enterprises, na may empleyadong 49,399 at nasa 14,700 na industriya ang tinutulungan ng DTI.
Ang micro industries ay ang mga may kapitalisasyon na hindi hihigit sa PhP3 milyon. Mayroong 1,587 small industries na may 32,710 empleyado, 47 medium na amy 6,644 empleyado at 49 large industries na may 32,718 empleyado o isang kabuuang 121,471 manggagawa.
Higit na mabebenipisyuhan ang mga micro at small enterprises, aniya. Base sa tala ng DOLE, nagkapagtala ang CAR ng average na 85 percent compliance sa WO 19 na naging epektibo noong Agosto 2019.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon