Mga operator ng drop ball, puntirya ang mga lamay

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Modus ngayon ng mga operator ng iligal na sugal na drop ball ang pangongontrata sa pamilya ng mga namatayan. Kapalit umano ng pagpayag ng pamilya sa paglalagay ng drop ball ay magbibigay ang operators ng malaking halaga sa pamilya ng namatayan.
Isa sa mga operasyon ng drop ball sa lamay ay namataan sa Slaughter Compound, Baguio City. Mismong si Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang pumunta sa lugar at nagpatigil sa ilegal na sugal.
Sinabi pa ni Domogan, “Apo Kapitan, baka may libing dito eh baka meron na naman susunod dito. Parang itutuloy niyo yung sugal. Hindi dapat!”
“Mayroon tayong ordinansa diyan,” idinagdag pa ni Domogan.
Ang tinutukoy na ordinansa ay ang Code of Practice for Responsible Gambling na isang regulatory ordinance na naglalayong mapatawan ng karampatang parusa ang mga sangkot sa ilegal na sugal at ang pagkakaroon ng fixed term special permits para sa mga balak magpatayo ng mga pasugalan.
Ang mga gustong magpatayo ng Electronic Casinos (E-Casinos), E-bingo, cockfights, online sports betting at iba pang klase ng online na pasugalan sa lungsod ng Baguio ay oobligahin nang kumuha ng fixed term special permits.
Nilalayon ng ordinansa na magkaroon ng mas detalyado at mas striktong panukala sa proseso ng pag-aaply upang mabago ang isip ng mga nais magpatayo ng pasugalan sa lungsod.
Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P5,000 sa unang pagkakataon, 30 araw naman na suspension ng operasyon ang ipapataw sa pangalawang paglabag, at ang pagkansela sa fixed term special permit ang ipapataw sa ikatlong paglabag.
Samantala, mismong si Philippine National Police Chief Director Ronald “Bato” Dela Rosa ay nagdeklara ng war against illegal gambling.
Ang mga pulis sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay nagsasagawa ng “one-time-big-time” na mga operasyon upang matawag na illegal gambling free ang kani-kanilang mga lugar. RC BJON C. CATACUTAN, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest