Mga Pasaway sa Protokol… Dumami?

Meron ba kayong puna noong June 12…araw ng ating kalayaan? Para daw limot na bayani, pards. Bakit? Kasi nga naman, mas nagsentro pa rin ang usapusapan sa Covid-19 kaysa Araw ng Kalayaan. Tsk tsk…ganyan talaga si Pinoy. Kung ano ang bago at kasalukuyang kaganapan o kontrobersiya, doon nasesentro ang utak.

Pero teka lang, pards..napaguusapan ang “utak”…may sumundot kasi sa ating kukute na marami raw sa ating lahi ang nawawala ang utak kapag may kalamidad. He he…siyento porsiyento kaming kampi rine, pards. Marami ang nabubuang o natitimang dahil sa relief, eh! Mariakusinang walang saya…papano ba ire? Sige…busisihin natin mga kapatid na di anak ng nanay ko:
******
Sa tuwing may kalamidad…ang dating utakmonamon ng ilang kababayan natin, nagiging utak-pating. lumalaki dahil pupuwede raw silang kumita ng malaki dahil sa kalamidad. Porque?

Nariyan ang mga taran-…he, he..sandali lang…baka mamura ako ni Apo Digong. Siya lang ang may lisensiya sa pagpupu….a. Sige ituloy natin ang murahan, eheste…daldalan. Sa tuwing may delubyo – bagyo, sunog, baha at kauring kalamidad, marami sa ating mga kababayan ang gustong magsamantala.

Gustong kumita ng limpak. Ang masakit, ang puhunan – pinaghirapan ng kanilang kababayan. Talagang mapapamura na ka, pards. Kasi nga naman, sa halip na tumulong sa mga naghihirap na biktima ng trahedya…sila pa ang nananakmal sa leeg ng ating kababayan. Sagad to the bones o tagos-buto ang ngasab para kumita ng limpak. At dahil sa walang masulingan ang ating pobreng alindahaw na kababayan, pikit-matang sasakmalin na ang pain ng mga suwapang.

In short…marami ang demonyong mananakmal sa tuwing may trahedya. Sa presyo na lamang ng sardinas (kahit galing sa relief ang iba) triplado, pards. Kaya yong mga suwapang dumadalangin sila na tatagal pa sana ang trahedya o kalamidad upang lalaki pa ang kanilang madudukwang na grasya. Mantakin mo yang ugaling ire? Panong di ka mahahigh- blood? Pero talaga yatang
ganyan na tayo sa ating bansa sa tuwing may kalamidad.

Sabagay, hindi po sa nilalahat. Marami tayong kalahi ang tunay na nagmamalasakit tumulong sa mga nangangailangan nng walang kapalit. Pero mangilan-ngilan lang sila, di ba? Yong iba nga
riyan, may plano sa pulitika kaya kaliwa’t-kanan ang pagtulong (kuno). May pinaglalaanan ang kanyang mga pagmamalasakit.

Pero marami ang bumubulong…”matisod ka sana pasikatero!”.

******
Sa panahon ng delubyo, may mga demonyo ring kababayan nating lantaran kung mamigay ng ayuda o tulong. Kuntudo pa-picture pa para may ipo-post sa internet at makita ng sambayanan. Siyempre, sa mga mangmang sa motibong garapal ni “tulongero”….kilo-kilometro ang paghanga at pagsaludo. Di nila alam na sila’y nagagamit din para sa sekretong motibo o balakin ni taran- – este suwapang sa palaparan ng papel.

Hindi nila alam na sa bandang huli, gugutayin sila ng tone-toneladang sisihan kahit huli na ang lahat. Ang kawawa ay yong mga taong nagtiwala kuno kay Mr. Tulongero at nagbigay ng tudo-suporta. Di nila alam na pati sila ay nagagamit din ni masiba sa poblisidad na si Tolonges, este “kuwago”.

Sabagay, sabi nila…dahil sa kayabangan, meron ding nakikinabang sa kanyang tulong. Ang mapait lamang ay ang totoong mga eksena sa likud ng serbisyo publiko. Iisa na lamang ang maaring gawin, pards: idalangin natin na hindi sana siya makarma o mauntog.

At kung mangyayari man ito, sana ay sa madaling panahon upang di na lumala ang untogan at lamangan. Bulong ng mga nasa “tuwid na landas”: Diyos na lamang ang pinakahuling humusaga sa ganitong mga nilalang.

Siya rin ang nakakaalam kung ano ang nararapat na tapik sa kanila. Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon