Mga pekeng balita, nakakakuryente ba talaga?

Pumutok at naglipana sa social media ang “fake news” na umani ng samo’t-saring pananaw at interpretasyon. Ito ay matapos ihalal at manumpa ni Donald Trump bilang bagong pangulo ng Estados Unidos na nagsasabing ginamit ang social media sa kaniyang pagkapanalo dahil sa mga pekeng balitang pumapabor sa kaniya at umatake sa kaniyang kalaban sa politika.
Sa Pilipinas ay hindi rin ligtas sa kamandag ng isang “pekeng balita”.
Ang malaking tanong ay totoo ba ang pekeng balita? Gaano kalawak ito at bakit ito patok sa mga tao, lalo na sa social media? May tinatayang 1.8 bilyong tao ang gumagamit sa social media lalo na sa Facebook, kaya ang anumang lumalabas at kumakalat sa “lugar” na ito ay madaling mapagpiyestahan. Bakit nga ba patok ito?
Maaaring malaki ang papel ng mga consumer kapwa sa pagpapalaganap ng pekeng balita at paghubog sa klase ng media at journalismo na nakukuha natin sa kabuuan. Hindi malinaw kung bakit nangyayari ito ay dahil gusto ng tao ng pekeng balita. Sa anumang kadahilanan ay nakikita ng tao na ang mga balitang ganito ay nakakapagpasigla at ipinamamahagi nila sa marami nilang kaibigan. Ang klase ng balita na maaari mong i-share ay surprising o maaaring importante. Isipin mo na lang halimbawa na may ilang consumer na napagkakamalan nilang totoo ang isang mapagkakatiwalaang balita sa Facebook ay tila totoo. Kaya hindi kataka-takang ipamamahagi rin nila ang isang istoryang hindi magiging totoo dahil ito ay nakakagulat at importante, isang bagay na gustong-gusto ng taong i-share.
Alam natin na malaki ang demand sa ganitong balita, at ang katotohanang ang demand dito ay malaki ay isang importanteng bagay kung bakit marami ang ginagawang ganitong balita. Bakit nga ba malaki ang demand dito at magkano ay dahil hindi alintana ng tao ang katotohanan at maligaya silang i-share ito kahit na hindi totoo. Bakit kumakalat ito ay maaaring isipin nating ipinamamahagi ang mga pekeng istorya ng mga hindi naniniwala at iniisip na katawa-tawa lamang ito at nakakaaliw kaya ikinakalat sa kanilang kaibigan para lamang matuwa o matawa. Maaari ding hindi marunong tumingin at humusga ng totoo sa hindi ang ilang tao. Maaari ding naikakalat ito dahil anumang nakakagulat ay patok sa tao.
Maaari din nating isiping hindi ang “pekeng balita” ang dapat nating pangambahan kundi ang mas malawak na isyu kung bakit tinatangkilik ng tao ang nakikita nila o ano ang gustong ipatangkilik sa kanila ang mas dapat bigyan ng mas mabuting atensiyon. Maaaring ang isyu ng “pekeng balita” ay isang uri ng distraksiyon na kung saaan ay tila may mas malaking hanay ng mas malaking mga istoryang pumapabor sa mas mataas na pinapaboran. Karamihan sa mga ito ay kumikiling lamang sa iisang panig. Ito marahil ang mas malaking isyu at bagay na dapat nating pangambahan.
Maging mapanuri at responsable lamang tayong gumagamit ng mga makabagong behikulo ng kaunlaran ay siguro’y hindi tayo mawawala at mawawalay sa tunay at tapat na adhikain ng responsableng talakayan. Pmcjr.

Amianan Balita Ngayon