MGA PROBLEMA NOON… KINALKAL NA!!!

Sep 17, 2022

Deka-dekada na ang dumaang panahon…ngunit di pa huli upang kalkalin ang mga dating problema para
maisaayos o masolusyonan sa kasalukuyan. Reaksiyon ng marami: mabuti naman upang malaman ang katotohanan. Upak ng iba: kung di nakabalik ang mga Marcos sa Malakanyang, may kalkalan kaya? Sige, relaks muna at alisin ang pagpapanting o panggagalaiti para masarap namnamin ang simoy ng Pasko
na higit isang daang araw na lamang ay darating na.

Narito ang ilan sa mga dating problemang nahalukay: Mga magsasakang pinautang noon at nabaon na sa
alanganing pagbabayad….binigyan ng isang taong pagkakataon upang di muna mamroblema sa
singilan. Ayon sa Marcos administration…makakabayad din sila. Bigyan lang ng tamang templa upang tuloy ang pagsasaka at magkaroon ng produksiyon. Yong nabuking na taguan ng asukal,
nabigwasan na. Maraming bodega ang may imbak…naiimbestigahan na.

Katunayan, may utos na si Pres. Bongbong Marcos na lahat ng ani hanggang Agosto 2023 dapat para sa atin muna at di dapat magluwas. May utos din siyang maaring mag-import hanggang 150,000 metric tons
lang bagama’t sabi ng mga analysts ay pag-aralang maigi kung ilan dapat ang aangkatin. Sa problema ng
galunggong…puwede raw mag-angkat base sa pagaaral sa kakulangan nito sa bansa. Ang pang-sardinas na tamban ay bastante naman daw gaya ng nangyaring pagdagsa nito sa isang bayan sa Iloilo.

Sa sibuyas naman…hintayin lang ang tag-ani, ika ng Palasyo bago umaksiyon sa likud ng isinasagawang imbentaryo sa biglaang pagkawala ng puting sibuyas. Tiis muna sa pula. Yung napaulat na baka kapusin tayo ng bawang….naroon sa Itbayat, Batanes ang solusyon. Ang nakalkal na problema ng mga magsasaka dahil sa dagsa ng imported na produkto….nakakastigo na ang mga importers hinggil dito. Ilan lang ang mga ito ang natutukan matapos nakalkal at naipabatid sa bayan na ang mga problemang ito ay noon pa nangyayari at ngayon na ginagawan ng solusyon.

Kabi-kabila naman ang mga isyung iniimbistigahan ngayon ng kongreso (House/ Senate). Umupak kamakailan si Senador Bato De la Rosa na “kulang” daw sa “asim” ang ginagawa ngayon ng PNP. Sagot naman ni PNP Chief Gen. Azurin: may kanya-kanya silang pamamaraan upang bakahin ang kriminalidad kaya bigyan sila ng pagkakataon. Nakalkal din ang malaking budget daw na hiling ng Edukasyon. Sagot naman ni VP Sara Duterte at sekretaryo ng Dep-Ed: makatarungan lamang dahil sa dami ng mga pangangailangan sa konstruksyon at kauring programa para sa edukasyon.

Sa isyu ng overprice daw na laptop….may mga ulo ng gumulong hinggil dito at di pa tapos ang imbestigasyon. Nakalkal na rin ang isyu ng serbisyo sa transportasyon kung saan, nagtuturuan na ang
mga concerned agency at IT provider hinggil dito lalo na sa diumano ay kakuparan lalo na sa plaka, rehistrasyon at pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho. Ilan lang yan sa mga isinalang sa imbestigasyon.

Heto ngayon ang pinakahigante sa lahat ng kasalukuyang kontrobersiya. Humihiling na ang Pangulong Bongbong Marcos na muling bukasan ang isyu ng “estate tax” ng pamilya-Marcos. Ayon sa mga analysts – tapos na raw ang isyu. Pero sabi ng mga Marcos dapat busisihin ito dahil wala sila sa ating bansa
nang tinapos ang naturang usapin. May karapatan daw sila na madinig naman ang kanilang panig. Sa panig ng mga praktikal na sumusunod sa isyu: may karapatan ang mga Marcos na alamin ang katotohanan at anong ginawa at saan napunta ang mga sakup ng “estate tax”na mga ari-arian.

Dekada ang dumaan na may busal ang mga Marcos sa mga kontrobersiyang ito. Panahon na siguro, ika ng marami, na mabigyan ng karampatang hustisya ang kontrobersiya. Kung saan patungo ang mga kinakalkal na problema noon…malalaman na ng sambayanan ang katotohanan ngayon. Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest