Mga subersibong libro inalis mula sa university library sa Isabela

Provincial

Bilang isang senyales mula sa karatig na institusyon, inalis din ng Isabela State University (ISU) ang 23 National Democratic Front (NDF) handbooks mula sa library ng main campus nito sa bayan ng Echague, Isabela.

Matapos naunang gawin din ng Kalinga State University ang parehong hakbang, sinabi ni ISU president Ricmar Aquino sa Philippine News Agnecy noong Martes (Setyembre 21) na agad niyang inabisuhan ang lahat ng librabrian sa iba’tibang ISU campus sa probinsiya na tanggalin ang mga perehong libro mula sa kani-kanilang mga silid-aklatan.

Ang paaralan ay may 11 campus sa probinsiya na nasa Cabagan, Ilagan, Roxas, Jones, Cauayan at San Mateo, at iba pang mga lugar, maliban sa bayan ng Echague.

Ipinasakamay ni Aquino ang nasabing mga libro kay Dennis Godfrey Gammad, regional director of the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at cluster head ng Situational Awareness and Knowledge Management Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

Sinabi ni Aquino na ang pag-alis at turnover ng mga libro ay sinaksihan ni Col. Leandro Abeleda, deputy commander, na kumatawan kay Brig. Gen. Danilo Benavidez ng 501st Infantry Brigade ng Army. “ISU supports the government program’s ‘whole of nation approach’.

ISU as an academic institution, has its mandate to protect the Filipino youth and ensure their future by providing them quality and relevant education. Our students should not, therefore, be exposed to anything that will destroy their future,” aniya.

Ang desisyon ng ISU na ipagbawal ang nasabing mga libro ay “bahagi ng pangako na protektahan ang unibersidad at mga estudyante mula sa posibleng banta at pananakit na maaaring isagawa ng mga komunista,” dagdag ni Aquino.

Sinabi ng militar na ang nasabing pagtanggal at pag-alis ng lahat ng libro ng NDF mula sa ISU ay magliligtas sa mga kabataan mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army- NDF (CPP-NPA-NDF) recruitment.

“The action of the officials and leadership of the ISU indicates that they are against the CPPNPA- NDF ideologies and to safeguard the institution from communist infiltration.

This also shows the commitment of the different government agencies particularly the academe in support to EO (Executive Order) 70/NTF-ELCAC to put an end to the communist insurgency in the region,” sinabi ni Benavidez sa kaniyang mensahe.

Pinasalamatan ni Gammad na siyang tumanggap sa mga libro ang unibersidad at pinuri ang hakbang nito sa pag-alis ng mga subersibong materyales mula sa silid-aklatan nito.

“As gateways to knowledge and culture, libraries play a fundamental role in society. The books you read become part of you; therefore, commitment and accountabilities lie in every page you read,” dagdag ng NICA director.

Ang ceremonial turnover ng NDF handbooks ay nagmarka sa pakikisama ng NTF-ELCAC sa mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng “whole of nation approach” sa pagprotekta sa kabataan at mga estudyante mula pagkalinlang at recruitment ng mga komunista, dagdag ni Aquino.