Mga sundalo sa barangay, aprub sa Ilocos Sur officials

STA. CRUZ, ILOCOS SUR – Aprubado ng Ilocos Sur provincial at town officials ang deployment ng Philippine Army troopers sa iba’t ibang lokasyon sa probinsiya, lalo na sa mga disaster-prone at communist-infested na mga barangay.
Ang mga sundalo mula sa Philippine Army 81st Infantry Battalion ay nakakuha ng basbas upang ideploy ang Community Support Program (CSP) Teams para sa buong taon ng 2018.
Layunin ng CSP na suportahan ang pag-unlad ng disaster at conflict resiliency sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) at iba pang apektado ng CPP-NPA-NDF na mga barangay, ayon sa military, habang ipinapaliwanag na ang CSP Teams “ay pangangasiwaan ang pagpapalakas ng barangay-based institutions upang masiguro ang mahusay na paghahatid ng mga serbisyo at ipagpatuloy ang suporta ng mamamayan sa pamahalaan”.
Noong Marso 26, nakatanggap ang military ng Executive Order No.5 series of 2018 mula kay Governor Ryan Singson na nagbibigay pahintulot sa 81st Infantry Battalion na magsagawa ng “community service” sa mga piling barangay ng Ilocos Sur. Sa nasabing EO, binigyang-diin doon na papayagan ng iba’t ibang ahensiya ng probinsiya ang mga military na ma-access ang mga poverty alleviation program upang mapabalis ang socio-economic development sa mga barangay kung saan sila na-deploy.
Noong Abril ay mayroon nang nai-deploy na CSP team sa Galimuyod matapos ang paglalabas ng Executive Order ng mayor ng bayan na umaayon sa EO mula kay Singson.
Noong Abril 23, sabay-sabay ang isinagawang send-off ceremony sa City of Candon kung saan dalawang CSP Team ang mainit na tinanggap ng kanilang barangay councils, at isa pang CSP Team sa Banayoyo, matapos ang complementary ng Executive Orders na inisyu ng parehong mayor ng nasabing lungsod at munisipalidad.
Apat na CSP Teams naman ang idineploy noong Hunyo 5 sa Galimuyod, Ilocos Sur, na bumubuo sa walong CSP Team na nadeploy sa buong probinsiya.
Pinalakpakan ni Major General Felimon Santos, commander ng 7th Infantry Division, ang mga sundalo sa pagsama ng “key stakeholders in their Community Support Program bringing forth a whole of nation approach towards development to GIDAs and Conflict Affected Areas (ConAAs)”.
Mahalagang kilalanin ang mga totohanang tumutulong sa mga apektadong komunidad, ito ang mga LGU, pahayag ni Brigadier Gen. Henry Robinson Jr., commander ng 702nd Infantry Brigade.
Samantala, binigyang-diin ni Lt. Col. Charles DZ Castillo, commanding officer ng 81st Infantry Battalion na, “your Army will only act as the bridge and instrument of the government in delivering basic services to the communities and facilitate the resolution of issues that contribute to conflict in communities”. A.ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon