Mga turista, pinayuhang magpa-book ng maaga para sa Panagbenga

Hinihikayat ng Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) ang mga turista na maagang magpa-book sa mga hotel para sa dalawang grand parades ng pamosong Baguio Flower Festival o Panagbenga.
Sinabi ni HRAB Spokesperson Andrew Pinero na ang maagang pagpapa-book ay mahahadlangan ang hindi kanais-nais na sitwasyon ng walang mapagpipilian kung kinakailangang magdesisyon ang mga turista na pumunta sa grand street parade sa Pebrero 24 at sa grand float parade sa Pebrero 25.
Ang dalawang aktibidad na ito ay tradisyunal na kinikilalang “peak dates” ng isang-buwang Panagbenga kung saan libo-libong turista ang pumupunta.
Sinabi ni Pinero, na siya ring hepe ng Baguio Country Club public affairs office, na nagkaroon na ng peak booking ang Country Club sa pagbubukas ng Panagbenga noong Pebrero 1.
Dagdag pa niya na naging weekend destination ang Baguio dahil sa tatlong oras at treinta minutos lamang na biyahe mula Metro Manila na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Sa Pozorubio exit ng TPLEX na nagbukas noong huling bahagi ng 2017, ang Saytan, Rosario sa La Union kung saan naroroon ang papasok sa makasaysayang Kennon Road ay 15 minuto lamang ang layo mula sa lungsod ng mga pino.
Sinabi pa ni Pinero na ang mas lalong madaling biyahe sa Baguio ay umaasa ang mga local hoteliers ng pagtaas ng tourist arrivals mula 12 sa 20 porsiyento kumpara sa nakaraang mga taon.
Hinihikayat din ni Pinero ang mga turistang ikonsidera ang alternatibong akomodasyon maliban sa mga hotel gaya ng transient houses o manuluyan sa mga kamag-anak.
May listahan ang Department of Tourism-Cordillera at ang Baguio City Tourism Office ng accredited transient houses na tumutugma sa mga pamantayan na itinakda ng mga awtoridad na sinisiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga turista at kanilang mga gamit. ABN

Amianan Balita Ngayon