Mga upak ni Digong, laging kontrobersiya?

Feb 24, 2018

Laging kontrobersiya at pinag-uusapan ang mga upak ni Pres. Duterte. Ito’y isang katotohanan na hindi lang pang-Pilipinas kundi pang-World pa! At sino nga ba naman ang hindi matataranta kung makakarinig ka ng mga banat ng pangulo na nakakakiliti lalo na sa mga isyung delikado. Sige, ating tustahin ang mga nagbabagang kontrobersiyang yan.

**********

Kamakailan lang, naging laman ng huntahan ang sumambulat na mga salita mula kay Digong. Yan ang isyu sa kanyang matinding pagmamalasakit sa OFWs lalo na yaong mga namolestiya sa iba’t ibang bansa. Ang matindi kasi ay ang nangyari sa isang OFW na isang taong nakasilid sa loob ng freezer. Hanggang ngayon, di pa nahuhuli ang mga suspek. At dahil sa galit ng pangulo, nasabi niya tuloy na kaya niyang isanla ang kanyang kaluluwa sa demonyo para sa OFWs. Kung mahina ang kapit mo, tiyak laglag ka sa kangkongan. Siya lang ang pangulo ng bansa na nagsabi niyan. Marami ang humanga sa pagmamalasakit na ito ni Digong, bagamat siyempre, wala pa ring bilib ang mga kontra sa kanyang pamamahala.

*********

Dahil din sa kanyang galit sa hirap na dinaranas ng ating mga OFW, nag-utos si Digong ng total ban sa pagpapadala ng mga kababayan nating trabahador sa Kuwait. Tuloy, marami na ang umuuwi mula Kuwait dahil sa sinasapit na pagmamaltrato roon. At dahil sa amnestiya na ibinukas ng Kuwait sa mga undocumented OFW, daan-daan na ang umuuwi.  TNT ang mga ito kaya bumabagsak sila sa pagkapit-patalim kahit buhay na nila ang katapat. Pero ngayong may amnesty, legal na silang makakauwi. Sabi nga ni Pangulong Digong: “The ban will continue and it will extend to other countries. Mahirapan sila, well, humihingi na ako ng tawad sa inyo. I will not allow… Hindi…Wala akong plano na ipadala kayo doon tapos babuyin lang kayo. Hindi ko style yan.”  In short, ang punto ni Digong ay – ayaw niyang mabababoy ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Dagdag nga ng pangulo: “Magalit na kayo nang magalit sa akin, tutal basta ako, trabaho lang. Mawala na ako sa politika. Wala na talaga. I’m done and wala na akong ambisyon”. May mga negatibo kasing komento  laban sa total ban ni Digong. Kawawa naman daw ang mga gustong makapagtrabaho sa ibang bansa upang umangat naman ang buhay. Ang nais naman ni Digong para sa mga OFW ay makabalik ang mga ito sa bansa at mabigyan ng pangkabuhayan sa Pilipinas para hindi sila binababoy at nakakaranas ng pagmamalupit mula sa kanilang mga amo.

**********

So ang banat ni Digong na – Kaya niyang isanla ang kaluluwa sa demonyo para sa mga OFW ay sinundan ng ayaw niyang mababoy sila sa kamay ng kanilang mga amo. Pero sandail lang pards, may mas bago pa riyan. Meron pa? Oo, mga kabayan, lalong kontrobersiya ngayon ang mga kataga ni Digong na: “Kung gusto ninyo, gawin niyo na lang kaming  province,  parang Fujian, Province of Philippines, Republic of China!” Upak yan ng pangulo sa harap ng Chinese Ambassador at mga Filipino-Chinese businessman kamakailan sa isang pagtitipon. Ayon kay Digong, mawawala na raw ang problema ng mga Pilipino kung magiging probinsiya na lang ng China ang Pilipinas, bagay na tinawanan ng mga panauhin. Daplis agad naman ng mga nakakaunawa, joke lang ito ni Digong. Pero kambio ng mga kontra-Duterte, kahit joke lang, masama ang dating. Kayo, anong say ninyo? Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest