MGA VULNERABLE SECTOR SA ILOCOS REGION NAKAKUHA NG 11.2K SAKO NG BBM RICE

MALASIQUI, Pangasinan

Nasa 11,219 sako ng tig- 10 kilong bigas ang naipagbili sa mga miyembro ng mga vulnerable sector sa Rehiyon ng
Ilocos mula nang ilunsad ang Bagong Bayaning Magsasaka BBM) rice program noong nakaraang Setyembre 13
hanggang Oktubre 15, 2024. Sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Ilocos Norte Irrigation Management Office division manager Engineer Joselito De Vera na karamihan ng mga nakinabang sa programa ay mga senior citizen o matatanda, mga benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), at mga may kapansanan (PWDs).

Sa ilalim ng programa, ang isang tao na kabilang sa vulnerable sector (mahihina) ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas sa halagang PhP29 bawat kilo, o PhP290 bawat supot, kada buwan. Nanggagaling ang suplay sa NIA Rice Contract Farming Program. Samantala, sinabi ni NIA Ilocos regional manager Engineer Danilo Gomez na ang
nailaang 10 kilo bawat isang benepisaryo ay base sa 120 kilo na annual rice consumption ng mga indibiduwal sa rehiyon. “Ang alokasyon ay dapat sapat para sa mga miyembro ng vulnerable sector,” aniya. Ang NIA regional office sa Pangasinan, na nasa Urdaneta City, ay nagbebenta n BBM rice tuwing Biyernes.

HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon