Midwife ninakawan sa loob ng BGHMC

Isang ina at anak nitong menor de edad ang nambiktima sa loob ng isang clinic sa Baguio General Hospital and Medical Center matapos pagnakawan ang isang midwife noong Oktubre 23, 2017 at nagbunsod ng pagdududa sa seguridad ng naturang ospital.
Ayon sa biktimang si Mildred Galian, 62, midwife ng Under 5 clinic ng BGHMC, lumabas lamang siya sandali sa kanyang clinic dahil sa isang meeting dakong 3:50pm hanggang 4:30pm ng naturang araw ngunit pagbalik niya ay nakita niya ang wallet sa sahig at wala na ang P8,000 cash at ang kanyang back pack malapit sa kabinet.
Nang tignan nila ang CCTV footage ng clinic ay nakita ang isang babae na may kasamang bata na pumasok sa kwarto at lumabas.
Ang BGHMC ay isang tertiary hospital na nagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente na nagmula pa sa Pangasinan at isab pang probinsya sa North at Central Luzon. Ito ang isa sa mga ospital na may pinakamalaking populasyon sa Norte. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon