Minahan sa Benguet inatake, 1 sugatan sa ligaw na bala

Jun 11, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinihinalang kagagawan ng mga rebeldeng miyembro ng New Peoples Army at Jennifer Carino Command ang pagpapasabog at pag-atake sa ilang pag-aari ng Lepanto Consolidated Mining Company noong hating gabi ng Huwebes (June 8, 2017).

Sa isang panayam kay Mankayan Mayor Materno Luspian, “Ikinagulat ng mga residente nang makarinig ng putukan sa bayan ng Mankayan noong past 12 ng hating gabi (Huwebes) sa dalawang barangay ng Tabuk at barangay Colalo. Nanawagan ako sa ilang mga residente na huwag lumabas dahil magkakasunod ang putukan at pati pagsabog.”

Sinabi ng mayor na nagpatawag ito ng kapulisan upang rumesponde at nalaman na nanggagaling ang pagsabog sa Lepanto Mines. “Bandang alas tres ng madaling araw, tumawag sa akin at kinumpirma na may mga pinasabog na pag-aari ng Lepanto, isang bulldozer, pinasabog rin ang generator at backhoe at ang Compaq ng PNP,” aniya.

“Napag-alaman na dalawang grupo ang may gawa nito, ayon sa pagsusuri ng mga rumesponde na pulis, bale tatlong bomba ang pinasabog ng mga rebelde at isang dinamita naman ang hindi sumabog,” saad ni Luspian.

“Naapektuhan ang tailings dam ng Lepanto na posibleng mass destruction ang plano nilang gawin dahil kapag nangyari na nagkaroon ng leak ito at masira ay masama ang mangyayari from Cervantes, Qurino hanggang Abra, na huwag naman sana mangyari ito,” aniya.

Nakiusap ang mayor sa mga hindi pa nakikilalang mga armadong umatake sa minahan na kaysa manira ng ari-arian at manakit ng mamamayan ay makipag-usap na lamang ang mga ito. “Ang apela ko lang sa mga gumawa ng marahas na pagpasabog at sumira ng mga pag-aari ng Lepanto kung may galit man kayo sa kompanya o reklamo sa gobyerno ay sana humarap kayo sa akin, bukas ang aking opisina at mag-usap tayo, huwag niyo idamay ang mga sibilyan, gusto natin ng mapayapang lugar para sa pag-unlad ng ating bayan ng Mankayan,” ani Luspian.

Samantala, isang construction worker naman ang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala sa hita nito. Agad naman itong dinala sa ospital.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) sa pinangyarihan ng insidente. ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest