Malapit na ang June 30. Huling araw na itinakda ng pamahalaan para makapasada pa ang mga PUJs sa bansa. Ilang ulit nang iniurong ang simula ng paggamit ng modernong jeepneys ayon sa
Modernization Plan ng pamahalaan. Dahil dito maraming operators-drivers ang umaalma. Di raw nila kaya ang P2.4Milyong halaga ng makabagong sasakyan pamalit sa tradisyonal na PUJ kahit pa
raw pasasaklaw sila sa mga mabubuong kooperatiba. Dahil dito, lalong naging kontrobersiya ang isyu. At dahil sa ingay ng mga apektadong grupo….iniurong na naman ng LTFRB ang palugit nila hanggang Dec. 31, 2023.
Sundan ang paghimay ng Daplis dito: Nagkasa ang grupong Manibela at kaalyado ng isang linggong tigil-pasada (March 6-12) bagama’t may mga grupo ding gusto pa ng masinsinang diyalogo hinggil dito. Ayon sa apektadong operators, drivers at pasahero, hindi napapanahon at hindi daw makatarungan ang halkbang na ito ng pamahalaan. Hindi lang sa panahong ito ni
Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang hakbang na ito kundi nagsimula pa sa nakaraang administrasyon. Matatandaan din ang posisyon ng Marcos administration na kanyang itutuloy ang mga programa ni dating Pres. Duterte para sa kapakanan ng bayan.
Tuloy may mga kuro-kuro na hindi daw kaya nadidiktahan ng mga nakalipas na administrasyon ang kasalukuyang pamamahala sa bansa? Ayon naman sa iba – hindi masama ang tulungan sa
ikagagaling ng serbisyo ng gobyerno sa mamamayan. Ano ba ang mangyayari sakaling tuloy ang tigil-pasada sa Marso 6-12? Natural maraming pasahero ang apektado. Pero nagkasa naman
ang DILG at nanawagan sa publiko (mananakay) na huwag mag-alala dahil magkakaroon
daw ng libreng-sakay vs. tigil pasada. Mahigpit ding iniutos ni DILG Secretary Benjur Abalos
na panatilihin ng mga otoridad ang maximum tolerance.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ng Department of Transportation ang mga transport group na pag-isipang maigi ang maaring ibubunga ng ikinakasang tigil-pasada. Dapat ay magkaroon muna sila ng dayalogo. Tinabla naman ng grupong Manibela ang panawagan. Wala daw urungan sa kanilang tigil-pasada. Marami ang nangangambang operators drivers sa modernisasyon dahil
maraming lugal ang talaga raw hindi uubra. Gaya na lamang sa mga bulubunduking lugal sa bansa na mga tradisyunal na jeepneys lang ang maaring makapasada at maghakot ng mga ani nila.
Hindi raw kakayanin ng mga modern jeepneys ang kaya ng mga tradisyunal na jeep sa hakutan. Sabagay, sabi ng iba…maraming lugal na sa bansa ang wala ng tradisyunal na jeep sa pamamasada kundi mga tricycle at mini-bus. Sabi ng mga analysts: puwede naman daw pagandahin at ayusin ang mga tradisyunal na jeepneys sa halip na i-phaseout. Sa kabilang dako, hinihikayat ni Sen. Grace Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB, na ipagpaliban
ang nakatakdang phaseout ng mga tradisyunal na jeepneys sa June 30 bunsod sa PUV Modernization Program.
Sumabay din ang buong Senado sa pag-apruba nila sa Senate Resolution 507 na humihikayat sa LTFRB na suspendehin muna ang planong phaseout dahil sa concerns ng mga apektadong grupo. Iginiit ni Sen. Poe na dapat masagot muna ang mga alinlangan ng mga jeepney operators at drivers sa financial viability ng jeepney modernization program. Dagdag pa ng senadora na ang
pagpupumilit sa deadline ng phaseout ng mga jeepneys ay hindi lamang “kabaliwan” kundi
isa ring “kalupitan” para sa transport sector.
Habang sinusulat etong Daplis, wala pang sagot ang LTFRB . Marami ring operators-drivers at
pasahero ang nagbunyi hakbang ng senadora. At sa praktikal na pananaw: wala daw kayang kutsabahan sa isyu ng modernisasyon ng jeepneys gaya ng mga napaulat na mga kutsabahan sa isyu ng sibuyas at asukal? Abangan ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos.
March 4, 2023
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024