Monitoring sa mga establisimiyento hinigpitan ng lungsod

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinigpitan ng pamahalaang lungsod ang monitoring nito sa mga business establishments upang masiguro ang pagsunod sa health at safety protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19) habang ang lungsod ay nasa panahon ng muling pagbubukas ng mga negosyo at industriya upang tulungan ang mga tao na makabawi mula epekto ng pandemya sa ekonomiya.
Nauna nang hinangad ni Mayor Benjamin Magalong ang isang nakatuon na grupo upang magsagawa ng mga inspeksiyon upang masita ang kaluwagan sa implementasyon at pagsunod sa health measures na pinaalalahanan niya muli ang parehong mga negosyante at mga parukyano na huwag maging kampante dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Ang task force ay bnubuo ng City Health Office, ng Public Order nd Safety Divison at mga miyembro ng contact tracing team. Sinabi ni City Permits and Licensing Division Head Allan Abayao na ang mga lumalabag na establisimiyento ay nabigyan ng notices of violation na may kaukulang mga multa at pinayuhan sa remedial at corrective measures na maaari nilang gawin upang masiguro ang pagsunod at maiwasan ang susunos pang mga paglabag.
Ang monitoring ay palagiang gagawin at tuloy-tuloy. Nauna nang sinabi ng mayor na may pangangalangan na masiguro na ang mga restaurant, grocery stores, accommodation facilities at iba pa ay palagiang nakakasunod sa itinakdang minimum health standards at protocols upang mahadlangan ang paglaganap ng COVID-19 sa mga lugar ng trabaho gaya ng nangyaring mga insidente na naranasan ng lungsod.
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon