Pinasok na tayo ng MONSTER! Oh, my God! Totoo! May Monster Ship na sa Pilipinas! Anak ng bakang duling? Akala natin ay sa mga pelikula lang ng Walt Disney ang meron bilang atraksiyon sa mga bata. Pero ang Monster ship ng CHINA na nasa bansa natin…atraksiyon na ito ng buong mundo! Sige, panoorin este, uriratin natin, pards:
Bandang Linggo o Enero 5,2025 nang mamonitor at ireport ng PCG (Phil. Coast Guard) ang presensiya ng Monster Ship ng China na nasa 54 nautical miles ang layo mula sa Capones Island sa Zambales na sakop ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Agad idiniploy ng PCG ang BRP Cabra, isang helicopter at PCG Caravan upang bantayan ang barko.
Ang sumunod na eksena ay malaki ang pagbabago. Tumaas ang direksiyon ng Monster Ship at lumipat sa may 80 nautical miles mula sa Lubang Island, Occidental Mindoro, ayon sa monitoring ni Commodore Jay Tarriela na siyang spokesperson para sa West Phil. Sea. At ang matindi sa pinakahuling ulat…nang umalis si Monster Ship, may pumalit palang isang barko din ng China. Dahil dito…liban sa BRP Cabra, ipinadala din sa lugal ang isa pang barko ng PCG na mas malaki upang magbantay o umalalay ano man ang mangyari. Sabagay, ayon sa pinakahuling ulat…wala naman daw hinaharass na mga mangingisdang Pinoy sa lugal. In short…pakiramdaman.
Maryusep. Papano na kung may kumati ang daliri sa gatilyo? Eh, di giyera na, este…e, di WOW! Malaking pelikula na ito, pards, pag nagkataon. Maluluma na si Walt Disney. Siyempre..kung meron silang Monster Ship…aba, eh, wala ba tayong KINGKONG na panlaban? Tanong: kung hindi nanghaharass ang Monster ship na ito ng China ….ano ang pakay bakit nasa teritoryo natin? Tiyak, iisa ang sagot ng China: teritoryo namin ito! Kapag ganyan ang
eksena…talagang wala nang katapusan ang nobelang ito.
Silipan at pakiramdaman na lang tayo. Pero teka lang…di ba kamakailan ay may nakuha ang mga mangingisda natin na isang underwater device at maaring ito ay pwedeng pang-eespiya o pagmomonitor sa ginagawa ng ating bansa.
Magsasagawa sila ng ilang buwan pag-aaral hinggil dito, ayon sa update ng pamahalaan. Habang binubusisi ito…namonitor natin na may naganap kamakailan na malakas na lindol sa isang lugal sa China na sumabay din sa ulat na lumala ang pagkalat ng sakit na ala-pneumonia sa lugal kung saan nagmula din ang Covid-19.
Ano kaya ang gustong ipamulat sa atin ng ating Panginoon sa nangyayaring ito ? Nataon pa na habang sinusulat ang espasyong ito, nakahanda na ang lahat sa bansa hinggil sa taunang isinasagawang Traslacion ng Poong Nazareno. Sana, mananatili ang kapayapaan at pagkakaisa’t pagmamalasakitan sa sanlibutan….ito ang dalangin ng marami lalo pa sa mga nakasaksi sa kung ilang giyera na sa daigdig ang naganap sa nakaraan. Sa kabilang isyu…malapit na ang simula ng kampanyahan – nasyonal at lokal. Dama na natin ang iba’t-ibang ratsada-pulitika. Bumanat na ang Comelec kontra maagang pangangampanya.
Tanong: meron na bang naparusahan hinggil sa upak na ito ng Comelec sa nagdaang mga halalan? Kung wala..baka yan ang bala kung bakit parang dumami pa ang mga pasaway na partido at indibidual na kandidato. Sa ngayon,
gapangan pa rin ang sistema ng pagpapakilala ng mga tumatakbo. Pero namomonitor natin na may anghang na ang batuhan ng daplis at pahapyaw ng mga kandidato kontra sa kanilang mga kalaban. Nariyang may nagbubulgar na
hinggil sa pondo na diumano ay iikot at gagamiting pang-makinarya ng matataas ang puwesto sa gobyerno para mas
mabigat ang kanilang posisyon sa kampanya.
Ang masakit…kung ang pondong ito ay galing sa kaban ng bayan. Tiyak…titindi pa ang tensiyon sa gastusan at operandi ng mga pulitiko sa pagnanasang mananalo. Tanong: kailan kaya magkakaroon ng tunay at legal at malinis na eleksiyon sa ating bansa? Itanong sa punongakasya! KUDOS PO SA 911 sa pagbibigay ng libreng Flu Vaccine. Mula sa Daplis, an gaming pasasalamat. Adios mi amor, ciao, mabalos.
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
December 14, 2024
December 14, 2024
December 8, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024