Motor inararo ng Elf truck, 1 patay 3 sugatan

Dead on arrival ang drayber ng isang motorsiklo nang banggain ng isang Elf truck, samantalang tatlo naman ang sugatan sa kahabaan ng National Highway, Brgy. San Vicente, Alaminos City, Pangasinan noong ika-20 ng Marso, 2017 dakong 7:30pm.
Kinilala ang namatay na si Jimmy Camba Ragel, 26 anyos, may asawa, at tindero ng isda, na drayber ng black Motoposh MC na walang plaka habang sugatan ang angkas nitong si Renzo Flores Banting, single, parehong residente ng Brgy. Cabatuan, Alaminos City, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulis, ang bumanggang Elf truck ay wala pang diskripsyon.
Bilang resulta, ang drayber ng motorsiklo ay nawalan ng kontrol sa manibela at nahagip ang dalawa pang biktimang sina Mark Jomar Rapues Billones, 22 anyos, single; at Benjie Rapues Billones, 10 anyos; pawang residente ng pinangyarihan ng aksidente.
Ang mga biktima ay dinala sa Western Pangasinan District Hospital para sa agarang lunas ngunit idineklarang dead on arrival ang drayber ng motorsiklo, ayon sa attending physician samantalang ang drayber ng elf truck ay tumakbo sa di malamang direksiyon.

Amianan Balita Ngayon