Motorsiklo, binunggo ang nakaparadang van

Nahagip ng isang motorsiklo ang nakaparadang van bandang 11:20pm ng October 30, 2017 sa kahabaan ng Legarda Road, Baguio City.
Sa imbestigasyon, ang Honda motorcycle na may plakang 2543-XS na minamaneho ni Brigido Cayat Acop, 28, single, RNR Maintenance, at residente ng Badihoy Pinsao, Baguio City, ay nagmula sa MH Del Pilar, city proper papuntang Marcos Highway kung saan tinatahak ang makurbang daan. Lumagpas ito sa side walk kung kaya nabunggo ang nakaparadang Mitsubishi Delica van na may plakang XGW-249 at pag-aari ng driver na si Yoshitaka Komazaki, 44, married, businessman, Japanese national, at residente ng Military Cut Off, Baguio City.
Bilang resulta, ang motorsiklo at van ay nagtamo ng sira, habang si Acop ay nasugatan at itinakbo ng EMS sa BGHMC para sa agarang lunas. Kinumpiska ng mga imbestigador ang driver’s license ng parehong panig kabilang ang OR/CR ng mga sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon.
 

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon