Motorsiklo nahagip ang likod ng taxi, 2 sugatan

Nagtamo ng bahagyang pinsala ang dalawang lulan ng motorsiklo matapos na mahagip nito ang likod ng sinusundang taxi sa Leonard Wood Road, 8:30pm noong Setyembre 26, 2017.
Sa ulat ng pulis ay kinilala ang motorcycle rider at angkas nito na sina Lito Tanacio Caasi, 28, at Conception Padilla Caasi, 28, parehong residente ng Outlook Drive, Baguio City, na lulan ng Mitsukoshi motorcycle na may file number 0101-010102 habang ang Isuzu Crosswind wagon taxi na may plakang AYU 465 ay minamaneho ni Brendon Basungit Lasang, 28, may-asawa, at residente ng KM6 Betag, La Trinidad, Benguet.
Sa imbestigasyon ay lumabas na ang motorsiklo ay nagmula sa city proper at papunta sa Pacdal ngunit habang paakyat sa kalsada ay hindi sinasadyang nahagip nito ang likod ng taxi na nagmula rin sa city proper at papunta sa parehong direksyon.
Napinsala ang parehong sasakyan habang ang mga lulan ng motorsiklo ay dinala sa BGHMC upang malunasan ang mga natamong galos at agad ring nakalabas ng ospital.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon