MPOX DEATH SA BAGUIO, NAKUHA ANG SAKIT SA IBANG LUGAR-MAGALONG

BAGUIO CITY

Ipinaliwanag ni Mayor Benjamin Magalong na ang pasyenteng namatay sa Monkeypox o Mpox ay hindi nanirahan sa lungsod, sapul nang ito’y magkasakit, kaya hindi maituturing na ito’y Baguio case. Sinabi ni Magalong sa media interview na dumating sa lungsod ang isang 32-anyos na lalaki, na bagamat taga-Baguio, ay infected na sa varyant ng
Mpox virus mula sa pinanggalingan nitong lugar, na kung saan ay matagal siyang naninirahan doon.

“Yong namatay ay hindi niya nakuha dito ang sakit,kundi sa pinanggalingan niyang lugar, nagkataon na umuwi lamang siya dito, hanggang madetect ang kanyang sakit, na-confined,pero namatay din.” Aniya, wala rin itong
kinalaman sa naitalang unang kaso ng Mpox na residente sa lungsod na isang 28-anyos na lalaki na narekober na sa sakit. “Having some difficult time getting more information from the source, kasi yong source meron pa siyang mga multiple contact, pero ayaw niyang i-reveal, kaya dahan-dahan nating kino-convince na i-reveal niya para ma-trace natin yung contact nya at maagapan na magamot,” pahayag ni Magalong.

Panawagan ni Magalong sa publiko na panatilihin muli ang health sanitation practice gaya ng nangyari noong Covid-
19, na panatilihin maging malinis sa katawan at magsuot ng face mask sa mga crowded areas. Ipinaliwanag naman ng Department of Health (DOH), na ang Mpox virus ay maaaring magkaroon ng “human-to-human transmission through direct contact with skin or mucosal lesions” tulad ng “talking or breathing, kissing, touching, hugging or sexual intercourse and also through respiratory mga sekreto.”

Maaari din itong makuha nang hindi direkta sa pamamagitan ng kontaminadong bedding, damit o linen o iba pang mga bagay. Kasama sa mga sintomas ang pantal sa balat o mucosal lesions na sinamahan ng lagnat, pamamaga ng lymph node at namamagang lalamunan, pananakit ng kalamnan at pananakit ng likod, sakit ng ulo at mababang enerhiya. Dapat sundin ang mga health protocol upang maiwasan ang impeksyon tulad ng pagtatakip ng bibig kapag
umuubo o bumabahing, pag-iwas sa balat sa balat at pananatili sa mga matataong lugar, madalas na paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng magandang daloy ng hangin, at iba pa.

Sinabi pa, gawin upang makaiwas sa Mpox o Monkeypox Virus ay kailangan ipairal ang INGAT ( I – wasan ang matagal na skin-to-skin contact at nakikipagsiksikan sa matataong lugar. N – gayong uso ang kaparehong sintomas ng trangkaso, magsuot ng face mask, long sleeves, at pantalon kung pupunta sa matatao at kulob na lugar. G – awin ang tama at madalas na paghuhugas ng kamay at pag-sanitize sa mga bagay na madalas hawakan. A – lamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Mpox at bantayan ang sarili sa mga sintomas. T – umawag o pumunta sa na health center kung mayroong isa o higit pang sintomas.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon