Mt. Province nagtayo ng sariling COVID-19 testing laboratory

BAUKO, Mountain Province, Oct. 9(PIA) – Nagtayo ng sariling Covid-19 testing laboratory ang lalawigan ng Mountain Province upang masiguro na mabibigyan ng lunas at pagaasikaso ang mga pasyente ng Covid-19 sa loob mismo ng Luis Hora Memorial Regional Hospital (LHMRH).
Pinasinayaan ni Mountain Province Kongresman maximo Dalog Jr., Dr. Eduardo Calpito, hospital chief at ni Rev.Fr.Jaefkey Dulawan ang pagbubukas ng natirang Covid-19 laboratory noong Oktubre 5, 2020 .
Inilagak din ang bagong real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RTPCR) machine noong araw din ng Oktubre na kung saan mapapabilis umano ang magiging resulta ng mga testing sa mga apektado ng Covid-19 na virus.
Pinuri naman ni Kongresman Dalog Jr ang walang sawang serbisyo na pinangunahan ni Doktor Calpito at ng teamng LHMRH upang magawa agad ang bagong molecular laboratory at inaasahan din ang agarang pag apruba ng lisensya ng laboratory upang maumpisahan na agad na magamit ang pasilidad.
Samantala sinabi naman ni Dr.RubyConstantino, regional director ng Department of Health -Cordillera na hiniling umano ng LHMRH na bigyan sila ng kaukulang training sa kanilang mga tauhan na siyang mag-aasikaso sa molecular laboratory.
Idinagdag pa ni Constantino na sa buwan pa ng Nobyembre magiging operational ang nasabing laboratory sa Mt.Province. Ipinahayag din ni Constantino sa nasabing Regular Weekly Kapihan na kamakailan lamang ay pinasinayaan angmolecular laboratory ng Benguet GeneralHospital sa bayan ng La Trinidad, Benguet na kung saan ay kasalukuyan ng nilalakad ang lisensya ng RT-PCR at automated extractor machine sa pamunuan ni Benguet Caretaker Kongresman Eric GoYap ng ACTCIS partylist.
Natapos na rin aniConstantino ang training ngmga personnel ng BeGH na magaasikaso sa nasabing molecular laboratory.Ani Constantino “We hopes that the operation of the two molecular laboratories soon would help decongest the COVID19 testing being conducted at the BGHMC, the lone government molecular testing lab in the region at present”.
(JDP/RMC- PIA-CAR)
 

Amianan Balita Ngayon