Museo Kordilyera, ibinukas na sa publiko

LUNGSOD NG BAGUIO – Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang etnograpikong museo sa rehiyon matapos ang pormal sa inagurasyon noong Enero 31, 2017 sa University of the Philippines-Baguio.
Ang Museo Kordilyera ay isang tatlong palapag na gusali na naglalaman ng mahahalagang bagay at koleksyon na may kinalaman sa rehiyong Cordillera, mga mamamayan nito, tradisyon at kultura.
Ayon kay UP Baguio Chancellor Dr. Raymundo Rovillos, “aside from housing the tangible collections of Cordillera culture, Museo Kordilyera will also become a venue for cultural performances, symposium and dialogues.”
Sa kasalukuyan ay tatlong eksibisyon ang itinatampok ng museo. Ang una ay ang “Batok Tattoos: Body as Archive” na nagpapakita ng research works ni Dr. Analyn Salvador-Amores, director ng museo at professor ng Social Anthropology sa UPB, tungkol sa kultura ng pagtatatu sa Cordillera.
Ikalawa ang ethnographic photographs ng Cordillera indigenous communities na kuha ni professor Roland Rabang ng UPB Department of Language, Literature, and the Arts.
Ang pangatlong eksibisyon ay nagpapakita ng tradisyon ng mga taga-Buaya sa Kalinga base sa research works ng anthropologist na si Jules de Raedt.
Libre ang entrance fee para sa mga estudyante, faculty at alumni ng UPB, P20 sa mga estudyante ng ibang paaralan at P40 naman para sa non-student visitors. Ma. Carmina Lipio, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon