MUTYA NG SUDIPEN, PANALO SA MUTIA TI LA UNION 2023

SAN FERNANDO CITY, La Union

Muling naiuwi ng Sudipen ang kanilang ikatlong korona sa ginanap na Mutia Ti La Union 2023 na
ginanap sa Poro Point View, San Fernando La Union noong March 2. Umangat ang ganda ni
Kristine Billy Tabaday ,24, pambato ng Sudipen, laban sa 20 naggagandahang Mutya mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng La Union. Ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang mga proyekto at adbokasiya na makakatulong sa environmental protection ng probinsya.

Bukod pa dito, nagpasiklaban din ang iba’t ibang designers na gumawa ng recyclable and sustainable creative wears na ini-rampa ng mga kandidata sa kanilang advocacy introduction.
Nagpakitang gilas din ang kauna-unahang lady governor ng probinsya, Governor Raphaelle Ortega-David sa grand opening number. Ito ay hindi nagpahuli sa pagsayaw kasama ng mga kandidata.
“One hundred seventy years later, it is only now that La Union has elected its youngest and its first lady governor, which is why this Mutya hits differently, as a woman po myself I am here to help uplift all these women representing their towns and be an enabler of their advocacies.”

Mensahe nito sa kaniyang mga kaprobinsyahan. Pinangunahan din ni Miss Universe 2022 Celeste Cortesi and Pannel of Judges kasama sina Jojo Bragais, sikat na shoe designer at Rian Fernandez na gown designer ni Miss Universe 2022 Rbonney Gabriel. Star studded din ang gabing iyon na dinaluhan ng mga sikat na artista kagaya nila celebrity host Robi Domingo, Miss Grand International 2021 1st Runner up Samantha Bernardo at Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa.

Nagpa-seksihan naman ang mga kandidata suot ang kanilang makukulay na swimsuits sa swimwear fashion presentation at ini-rampa ang kanilang nag gagandahang evening gown na flora and fauna inspired sa parehong segment, nagningning ang ganda ng Mutya ng Bauang matapos nitong maiuwi ang Best in Swimsuit at Best in Long Gown. “As an advocate of green peace movement, Ang pagbabago ko para sa kalikasan.

I am here not just to combat environmental issues but also to focus on raising awareness among the youth for seminars and campaigns that we will be able to encourage them to participate in and open their eyes and minds that our indigenous tribes were strong will to preserve what we have
now and what we are appreciating now.” sagot ni Sudipen.

Matapos ang nakaka.kabang final Q and A, hinirang na Mutia Ti Agri-Turismo 2023 si Anjali Kumar (Bauang), Mutia Ti Kalikasan 2023 Patricia Nicole Bangug (Agoo), 1st Runner-Up: Zyra Mae Carbonell (San Juan), 2nd Runner-Up: Strebel Joy Bugnay (Bacnotan) Mensahe ni Mutia ti Sudipen sa kaniyang pagkapanalo “Actually, it still feels surreal now that I did get back-to-back-to-back win.

I’m really happy that I represented my town well and I know they are proud of me. And now I am
looking forward to serving La Union.” Siya ay magpapatuloy sa kaniyang adbokasiyang Green
Peace Movement: Pagbabago ko sa kalikasan at sa pagsulong ng La Union at ang programa nito sa Agri-Turismo.

Godwin Niduaza-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon