Nag-aalburoto na si Pinoy, Gutom at pangamba ramdam na

Tapik ni Tonying

Oo sumunod na ang taong bayan sa 45 days na enhanced community quarantine ng gobyerno ni Pangulong Duterte na ayon sakanya ay nasa ilalim ng Public Health Order ang inang Bayan dahil sa pananakop ni COVID-19 na kung saan ay may mahigit na 8,000 katao ang apektado, mahigit 500 na ang pumanaw at ang magandang balita ay mahigit 1,000 naman ang gumaling subalit patuloy pa rin ang rapid testing siyempre marami rin ang lalabas na either positive or negative nag testing ka e.

Sa mga napapanuod natin sa telebisyon at naririnig sa mga radyo na reklamo ng mga tao na hindi pa nabibigayn ng ayuda o yung tinatawag nilang Special Amelioration Program na kung saan ay nagbibigay ang gobyerno ng P5,500 hanggang P8,000 sa mga qualified di umano , tanong sino ba ang qualified at hindi? Lahat ng tao dapat mabigyan mahirap man o pinakamahirap o ang nasa midlle class o mayaman dapat makinabang dahil parepareho naman na kumakain at nagugutom.

Pansinin mo ka Pabling nag-aalburuto na ang mga tao dahil; ang iba hindi nabigyan o nabigyan man ay hindi sapat e anak ng teteng naman kasi 3 o 5 kilo ng bigas sa isang linggo tapos 2 sardinas 2 noodles kasya ba yan? Masuwerte ang ibang nasa probinsya, halimbawa sa Gapan Nueva Ecija ang mayor nila dun ay isang kaban na bigas at ibat-ibang ulam ang ibinibigay kumbaga may diskarte ang mayor.

Ang ibang Pinoy aburido na dahil sa walang trabaho at walang kita sa tototo lang ka Pabling hindi kayang tutusan ng gobyerno ang mga gutom na Pinoy.

Nangangamba na sila dahil over acting na rin ang pagpapapatupad ng Enhance Community Quarantine… Nagiging matigas na rin ang ulo ng ibang tao dahil sa pangamba nila dahil sa walang katiyakan na darating na buhay isipin mo nga naman e lampas na ng 40 diyas e nasa 45 days na parang yung manok na pang pinikpikan ba hehehehe!!

Anyway sa ganang akin lang mga kababayan ko sa buong Northern Luzon ang gobyerno gustong pangalagaan ang kalusugan ng Bayan kaliwat kanan ang paalala sa mga tao na maghugas ng kamay, stay at home, gumamit ng alcohol, physical distancing at kung anu ano pang paraan upang masabihan ang mga tao sa bansa.

Obserbahan mo ka Pabling maraming tao ang nasaktan ng mga pulis lalo na sa Manila o National Capital Region (NCR) dahil sa diumano’y paglabag sa ECQ na yan. Halimbawa na lang sabi ng gobyerno stay at home e taga squatter ka dun sa lugar namin sa Pinagbarilan sa Pasay City tabi-tabi ang bahay, siksikan ang mga pamilya sa tingin mo pwede yung stay at home sabihin na natin may bentilador kulang pa rin mainam sa mga mayayaman at may kaya sa buhay dahil naka aircon ang mga ito kaya okay lang sa kanila ang  stay at home.

Tignan mo halos lahat ng mga lumabag ay yung mga nasa iskwater sila yung napapalo, pina- aarawan at pinag eehersisyo.. Ano ba ang dapat?? Sa aking palagay at suhestiyon tutal nabigyan mo ng ng paalala ang mga tao sa Pinas pwedi mo ng luwagan ang sitwasyon sa mga lugar na hindi naman “high risk” kasi marami ang nadadamay sa panukala nyo na ECQ or GCQ kahit nga ang inbyong likod ay nalilito sa mga salita ng nasa poder e.

Sa Northen Luzon na lang marami sa mga probinsya rito ang hindi “high risk” gaya ng Mt. Province zero covid-19 sila sa Kalinga, Apayao, La Union, Benguet , Ilocos Sur at Ilocos Norte at malamang maging sa Cagayan Region ay ganito rin ang sitwasyon.

Kalayaan ang hinihingi ng tao e bakit sa ibang bansang banyaga pinabayaan na ng kanilang gobyernbo ang mga tao pero sinabihan nila yan ay kagustuhan ninyo at hindi ng gobyerno.

Ang Pinoy kasi habang inaawat mo yan lalong nagpapakita ng tapang, bitawan mo at tignan natin kung mag-aaway pa yan o magkakasakitan ganyan ang nangyayari sa ibang lugar sa bansa.

Sa ngayon wala pang malinaw na desisyon ang ating bansa at maging sa syudad na ito ay hindi pa ata napaguusapan ang “bagong normal na buhay”.

Wala pa ring malinaw na paraan kung paano ang pagbubukas ng mga negosyo sa ngayon siguro dapat na ring upuan ng mga businessmen sa Baguio at ng Magalong administrasyon kung paano na ang buhay ng Baguio…(kung may mga suggestion po kayo paki email lang po sa amiananbalita@gmail.com).