Nagrehistro sa BIMP lagpas 50k; mga benepisyo inilatag

LUNGSOD NG BAGUIO – Mahigit 54,000 residente ang nagparehistro sa Baguio In My Pocket (BIMP) free smart phone application na dinoble ng gobyerno ang kampanya nito sa rehistrasyon at impormasyon na layong irehistro ang bawat residente sa susunod na mga buwan.
Sa isang media forum noong Miyerkoles ay sinabi ni Philip Puzon, chief of staff ng Office of the City Mayor na nakuha na ng lungsod ang tulong ng health workers, nutrition action officers at scholars ng mga barangay na tumulong sa trabaho sa rehistrasyon.
Hihingin din ang tulong mula sa mga opisyal ng mga barangay upang mapabilis ang proseso ng pagrerehistro, dagdag niya. Ang BIMP ay isang koleksiyon ng mga applications na layong sulong ang e-government ecosystem kabilang ng cashless payment na mga transaksiyon, citizen data management, contact tracing at iba pang mahahalagang serbisyo para sa lokal na mga residente.
Sinabi ni Puzon na nag-umpisa ang programa noong Hulyo ng nakaraang taon nang ang isang memorandum of agreement ay linagdaan sa pagitan ng lungsod at Information Technology Business Solutions (ITBS) Corporation na nakabase sa Pasig, ang app’s provider.
Bilang patunay ng konsepto, isang pilot testing ng programa ang isinagawa sa Irisan Barangay noong Oktubre kung saan 23,000 residente ang nagparehistro sa loob ng tatlong linggo lamang na nagbigay-daan sa pagsasagawa nito sa buong lungsod, ani Puzon.
Maaaring magamit ang app bilang isang vaccination database kung saan ang impormasyong makakalap mula sa mga residente ay makakatulong sa pagpino ng pagpili para sa vaccine roll out at pagaanin ang proseso ng pagbabakuna, ayon kay Puzon.
Sa kasalukuyan ay ginagamit ito para sa business at real property tax assessments sa QR (Quick Reference) code features nito para sa entry protection at access sa City Hall. Sa kaniyang bahagi ay sinabi ni MJ Barin g ITBS na kung lubos nang maipatupad, ang BIMP app ay magbibigay ng isang contact-less access sa isang malawak na mga serbsiyo ng gobyerno tulad ng isang 911 emergency system, isang online marketplace, at isang market to home delivery system.
Kasama sa iba pang benepisyo ang isang document folder, isang entertainment portal at isang e-Government transaction portal na magsisilbing isang one stop shop para sa mga transaksiyon sa gobyerno.
Is pang feature ay ang “Know-Your-Citizen-module”, kung saan maaaring matukoy ng mga barangay at maanalisa ang mga pangangailangan ng kanilang mga residente upang mas epektibo silang mapaglingkuran ng lokal na gobyerno, ani Barin.
“Let us not be afraid to embrace this technology since it will be of great help to us in our ‘new normal’ way of living,” pagdiriin niya. Ang BIMP application ay palaging pinapahusay upang maging angkop sa mga pangangailangan ng mga residente ng Baguio, paniguro ni Barin.
GBK-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon