Nakainom na taxi driver na kumaladkad sa pulis-trapiko kinasuhan

LUNGSOD NG BAGUIO – Humaharap ngayon ang isang taxi driver na nakainom ng halos masagasaan niya ang isang traffic police officer noong Disyembre 31 sa kasong kriminal dahil sa insidente.

Nagpila noong Lunes si Patrolman Julius Walang ng attempted homicide, direct assault upon an agent of the person in authority, disobedience to a person in authority, violation of the anti-drunk driving law, at oral defamation charges laban kay Jone Dominguez Buclay, isang driver ng Mabalot taxi.

Sinamahan si Walang ni Atty. Ford Tuazon, legal officer ng Baguio City Police Office (BCPO). Noong Disyembre 31 ay pinamamahalaan ni Walang ang daloy ng trapiko sa Abanao Street nang sitahin niya si Buclay na umalis dahil nakakasagabal ang kaniyang sasakyan sa trapiko sa nasabing lugar.

Sa halip na sumunod ay minura umano ni Buclay ang pulis na hiningi sa taxi driver na ilabas ang kaniyang lisensiya. Tinangka ni Buclay na tumakas kaya hinarang ni Walang ang kaniyang daanan at tumawag ng “back-up”.

Sumampa si Walang sa hood ng umuusad na taxi na pinatigil naman ng isa pang police officer na nakamotorsiklo. Sa isang panayam ay iginiit ni Walang na hindi lamang siya nagpila ng kaso upang makamit ang hustisya kundi itutuloy ang kaso upang magsilbing babala sa lahat ng drivers na sumunod mga batas trapiko at magbigay respeto sa mga awtoridad.

“Itutuloy at ilalaban ko ito para hindi na gawin ng iba sa mga kapwa ko pulis. Hindi rin ako makikipag-areglo para matuto ang taxi driver ng tamang asal sa kalsada,” aniya.

Kasunod ng insidente ay naging viral sa social media ito, pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año si Walang dahil sa kaniyang dedikasyon sa serbisyo kahit pa malagay sa peligro ang kaniyang kaligtasan.

Kinilala rin ng Police Regional Office Cordillera noong Lunes ang paninindigan ni Walang sa kanilang flag-raising ceremony.

Samantala ay sinabi ni BCPO director Col. Allen RaeCo na ibibigay nila ang kahat ng kinakailangang suporta kay Walang. Isa pa ay inihahanda rin ng BCPO ang mga dokumento na isusumite sa Suprem Court para sa posibleng imbestigasyon sa isang hukom na di-umano’y nakialam at namagitan upang mapalaya si Buclay.

Ayon sa police, sinubukang tulungan ni Judge Robert Mabalot ang nakainom na taxi driver upang matakasan ang reklamo.

“We have nothing personal against the judge. We also want to be able to practice our profession, law enforcement, again ‘yun nga request lang, free from harm sana,” paliwanag ni BCPO Director Col. Allen Rae Co.

Sa beripikasyon ng police ay napag-alamanna bayaw ni Mabalot si Buclay at pag-aari ng kaniyang asawa ang taxi na sangkot sa insidente. Minabuti ni Judge Mabalot na huwag ng maglabas ng bagong salaysay ukol sa kaso.

DD-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon