Nangangamoy eleksyon na sa gitna ng pandemya

Tapik ni Tonying

Sa totoo lang ilang tulog na lang at eleksyon na sa buong bansa at halos ang mga pulitiko ay puspusan na ang kanilang mga estratehiya upang mapansin sila ng kanilang mga botante, kumbaga ay nagpapansin na at lumalapit na sila sa mga botante.

Ngunit paano ng a ba ang gagawing “strategies” ng mga pulitiko sa kanilang pangangampanya sa kabila na ang bansa ay nasa gitna pa rin ng pandemya nariyan pa rin si Covid-19, na ayon sa aking mga espiya ay ginagamit na ng mga pulitiko ang covid-19 para lang sila ay mapansin.

Sa ngayon lumalakas ang social media, maging ang mga radio ito man ay FM or AM taliwas naman sa aming mga dyarista Jusko da! hirap kumuha ng advertiser na pulitiko sa dyaryo lalo na at ipinapatupad pa rin ang “quarantine” sa ibat-ibang lugar.

Masakit man isipin parang niloloko na tayo ng WHO at ng DOH dahil sa mga obserbasyon na parang away ito ng mga higanteng pharmaceutical nagpapagalingan sila kung ano ang vaccine na tama o hindi, nagsisiraan na nga sila e kesyo pag gawa sa China nakakatakot daw ang epekto, ngunit pag gawa sa Europa o Amerika mas mainam daw o hindi ba ito pinag-aralan ng husto ng mga health experts?

Sa ating bansa “Sinovac” at Astrazenica ang kadalasang ginamit ng mga frontliners at nakaabang na ito na gagamitn sa mahigit na 20 milyong Pilipino na vaccine upang makaiwas na ang mga tao
sa sakit na Covid- 19.

Gusto kong ikwento ng pahapyaw yung naganap na launching ni Inday Sarah Duterte sa lalawigan ng Benguet na diumano ay pinangunahan ni Benguet Caretaker Rep. Eric Go Yap ng ACT-CIS Partylist na halos umani ng pagbatikos dahil sa sobrang aga diumano ng pmumulitika ni Aling Inday sa lalawigan at sa ibang lugar sa Northern Luzon.

Sabi ko nga e kanya-kanyang diskarte yan may sumasabak ng maaga, upang testingin ang pulso ng masa at kung mabango ka ituloy ang laban at kung tagilid naman aba e huwag ka ng magambisyon.

At hindi lang yan nagsilabasan na rin ang mga kaliwat-kanang upak kay Yap na diumano ay hindi taga-Benguet , dayo lang at walang kamaganak sa Benguet. Tama naman ang mga taga Benguet (yung iba) si Yap nga ay naatasan na maging “caretaker” ng Benguet noon ni House Speaker Allan Peter Cayetano ng pumanaw si Benguet Congressman Nestor Fongwan.

Ngunit hindi rin matatawaran ang mga accomplishment nitong si Kongresman Yap na kung saan ay daan-daang milyon ang naibuhos sa lalawigan ng Benguet lalo na sa mga infrastructure at mga ayuda sa mga sinalanta ng pandemya.

Dahil sa mga ginawang ito ni Yap ay nagkaroon ng isyu sa mga ilang pulitiko sa Benguet ang iba at nagpapalipad hangin, na siya ay sangkot sa korapsyon, aba e sino bang pulitiko ang hindi nalalagay sa isyu ng korapsyon?

Sa ganang akin lang mga kababayan abangan natin ang usaping pulitika sa lalawigan ng Bneguet. Ika nga e magwagi kaya ang dayo sa isang “anak” ng Benguet?

Isang malaking paunlak sa akin ang makasama ulit sa hapag kainan ang dating butihing Mayor Mauricio Domogan noong Biyernes (Marso 12, 2021) sa isang Ecolodge restaurant, kasama si Councilor Vladimir Cayabas na siyang naghost ng aming lunch, kasama ang ilang lider ng lungsod. Nasentro ang aming usapan kay Sir Morris na kung saan ay mababanaag mo pa rin ang sigla at lakas sakabila na siya ay nasa 70 anyos mahigit na.

Sabi nga niya ay ang sikreto ay ang mga kinakain na dapat aniya ay “healthy foods” gulay, prutas at isda pero dapat din daw ay may konting karne at dagdagan ng exercise tuwing umaga.

Masayang nakipag-usap ang dating mayor na kung saan ay naka sentro sa kalusugan at nauwi sa real estate business ang usapan. Natuwa ako dahil parehas pala kaming nasa real estate na hanapbuhay.

Napag-usapan din kung may plano rin siyang sumabak muli sa pulitika na aniya ay may mga mas bata pa sa kanya na maaring maging lider ng Baguio, marami aniyang pagpipilian sa mga pulitiko sa lungsod na maaaring mapatakbo ang lungsod ng mas maayos at mas masigla ang turismo at ang ekonomiya.

Ngunit aniya kung siya ay gusto pa rin ng mga botante ng lungsod at siya ang napili ng kanyang grupo maari aniyang ikonsider niyang muli ang sumabak sa pulitika.

Sa tingin ko mga kababayan magiging masaya at kaabang-abang ang darating na eleksyon sa lungsod ng Baguio at sa buong bansa!!!!