Napoles, pinawalang-sala! Ginoo!

May 14, 2017

Maryusep! Si Napoles ang tinaguriang Pork Barrel Queen, pinawalang-sala? Lusot na? Oh, my pork! Plunder ang kaso dahil grabeng limpak na pera ng bayan ang kinamal ng kanyang pekeng NGO na naging sanhi rin kung bakit nakabilanggo ngayon ang tatlong senador at marami pang nakasuhan, lalaya na? Haanooo? Sandali lang pards, relax lang. Hindi sa plunder case siya absuelto, ayon sa Court of Appeals, kundi sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanya ng kanyang kamag-anak na si Benhur Luy. Haayyy  buti na lang.. Kundi nakupo, malaking sigalot  ire, pards. Mantakin mong nabuhay siya sampu ng mga pamilya nang napakarangya na halos di na nila malaman kung saan itago ang kanilang sandamukal na pera mula sa kinutsabang mga mambabatas na may PDAF o Pork barrel. Maliwanag na pera ng bayan ang kinamal. Kaya kung ano man ang pagkakasala ng mga Pork Mambabatas na yun, ganun din ang kasalanan ni Napoles dahil siya ang nanikwat sa pera at magkakasabwat silang nambulsa. Haayyy buti na lamang, nakakulong pa rin siya!

******
Marami kasi ang nagulat nang biglang nabulatlat sa madla kamakailan si Ms. Janet Lim Napoles, na reyna ng P10Billion Pork Barrel Scam. Ang inakala ng marami ay lusot na siya sa kanyang kasong plunder. Saka lang nakahinga ng maluwag nang malamang ang serious illegal detention pala ang inaksiyunan ng  C.A. Na ang ibig sabihin, hindi nakalusot ang isinampang kaso ng kamag-anak niyang Pork Barrel scam whistleblower na si Benhur Luy. In short, hindi pa rin siya (Napoles) makakalaya. Sa loob pa rin siya ng selda dahil may kaso pa siyang plunder. Yun lang at maaari na itong ilipat ng kulungan mula sa BuCor. Ang huling hirit nga ni Janet ay ilipat siya sa kostudiya ng NBI. Habang sinusulat ang espasyong ito, wala pang pinal na desisyon hinggil dito. May bumulong: dapat daw ay ilipat na lang siya sa detention center kung saan naroroon sina Senador Enrile, Estrada, Revilla at de Lima. He he, tiyak malalaking eksena ang magaganap kapag  magkakapit-selda na sila, di ba? Tunay ng giyera yan pag naganap, pards. Giyera ng bunganga.

******
May bagong kontrobersiya: gustong gawing state witness si Napoles! Sus my tsitsaron! Hindi ba’t siya nga ang dahilan kung bakit nademonyo ang maraming mambabatas at ilang mga opisyal ng gobyerno? Yan kasi ang paniniwala ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na magiging credible witness si Napoles upang maituro niya ang lahat ng taong may kinalaman sa PDAF Scam dahil siya ang itinuturong may utak sa kakurakutang naganap. Tiyak na hindi lang ang mga nakakulong na senador ang nakinabang (nang illegal) sa Pork Barrel. Sabi nga ng kanyang abogadong si Atty. Stephen David na puwede itong maging state witness upang malaman ng taumbayan kung sino ang mga sangkot sa Pork Barrel scam. Noon pa raw gustong maging state witness si Napoles, ayon kay Atty. David, ngunit hindi pinayagan ng dating administrtasyon. Hmmm, parang may naaamoy tayo pards. Baka maraming kapanalig ng Aquino administration ang ibubulgar ni Janet na may kinalaman din sa Pork scam. Di ba ang sabi noon ni dating DOJ Sec. at naging senadorang nakakulong ngayon, na may mga mambabatas pa at mga tao pang nasa batch 2 (baka may batch 3 pa)? Bakit hindi inilabas? He he, tiyak lalabas na ang mga yan kapag nag-witness ang Pork Queen! Abangan ang susunod na giyera – pabahuan ng kartada ng mga nagpayaman sa Pork! Tuhugin!!! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest