Nationwide earthquake drill isasagawa sa Hunyo 21

Isasagawa ang second quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na may temang “Bida ang Handa” sa ika-21 ng Hunyo (Huwebes), 2pm.
Ayon kay Office of Civil Defense information officer Franzes Ivy Carasi, ang napiling pilot area sa buong rehiyon ng Cordillera ay ang Benguet National High School na tinatayang may 2,500 na mag-aaral.
Aniya, maliban sa nakasanayang “duck, cover, hold” drill ay magsasagawa rin ng iba’t ibang programa gaya simulation exercises kung saan magkakaroon search and rescue operation.
Ang aktibidad ay pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasama ang La Trinidad Disaster Risk Reduction Management Office at iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Inaasahan din na mahigitan ang naitalang 227,000 na lumahok noong unang quarter ng NSED.
Layunin ng naturang gawain na maitaguyod ang disaster preparedness kasama ang mga kinauukulan at ang publiko upang maging handa kung sakaling may mangyaring lindol. Kabilang ang Melvin Jones, Burnham Park at Sunshine Park sa mga evacuation areas dito sa lungsod ng Baguio. MARK JASON SELGA, UC Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon