“Nationwide Jueteng para sa “Run Sir Run”

Opinion

Nakakabahala ang umuugong mula sa “Campo Crame” na lalaganap na naman ang jueteng sa buong bansa sa mga susunod na linggo dahil may “Fund Raising” para sa “war chest” ng isang mataas na opisyal na gustong sumunod sa yapak ni Senator Bato sa 2022.

Hindi umano sasantuhin ng malagim na layunin ng naturang “Fund Raising” ang mga charity fund raising ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaya ng nationwide Lotto at Small Town Lottery (STL) sa kabila ng hikahos na revenue generation nito dahil sa napakalakas na kumpetensya ng online sabong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ilalim ni Chairman Andrea Domingo gaya ng mga nakapwesto sa Baclaran at Pampanga.

Malaki ang obligasyon at responsibilidad ng PCSO sa mahusay na pamumuno ni PCSO general manager at vice chairperson of the board, (Col.) Royina Marzan-Garma, lalo na kontra COVID19 dahil multi-bilyon ang kontribusyon nito sa Universal Health Care Program (UHC) na tumutostos sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sumosuporta sa mga ospital na gumagamot sa mga hikahos nating mga kababayan na tinamaan ng COVID-19, pati na rin ng ibang mga sakit.

Ngunit magsisimula umano sa lalong madaling panahon ang “Fund Raising via Jueteng” sa epicenter ng COVID19 pandemic ng bansa– sa NCR – na kukumpasan ng umano’y isang beteranong “pulis bagman”.

Totoo kaya na mismong sa “Campo ng Bagong Diwa” ng NCR Police Office (NCRPO) pa mismo ang sentro ng pagpapaikot ng operasyong ito? Ngunit sa husay at sipag ni PNP Chief Guillermo Eleazar, na napa-workaholic, maaring hindi mag-alala dahil siguradong dudurugin niya ang masamang balaking “Fund Raising via jueteng”.

Noon pa mang plinaplano ang iligal na balaking ito ng mga “Fund Raiser”, siguradong naamoy na at sa lalong madaling panahon ay ipriprisinta na Ano sa tingin niyo?