Natural gas sa Pangasinan, nais makumpirma ng Binmaley mayor

DAGUPAN CITY – Hangad ni Binmaley Pangasinan Mayor Simplicio Rosario ang kumpirmasyon mula sa National Irrigation Administration (NIA) na diumano ay tinamaan ng mga tauhan nito ang isang daanan ng natural gas habang naghuhukay para sa mababang balon para sa poso sa Barangay Pallas, Binmaley dalawang buwan na ang nakalipas.
“As mayor of Binmaley, I want to get confirmation to this kind of report,” ani mayor sa isang open forum ng Irrigation Stakeholders’ Forum sa CSI Stadia, Dagupan City, hapon ng November 15, 2017.
Isa si Rosario sa mga town mayors ng Pangasinan na dumalo sa nasabing forum na pinangunahan ni NIA Director General Ricardo Visaya, dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“I am not yet positive about the report but if it is really true, then the local government must inform the proper government agency,” ani Rosario.
Tinutukoy ni Rosario ang Department of Energy (DOE), na aniya ay kinakailangang magsagawa ng technical study sa nadiskubreng natural gas.
Hindi ito ang kauna-unahang ulat ng diumano’y nadiskubreng natural gas sa sakahan sa Binmaley. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon