NCCA, tumatanggap na ng proposals ng proyekto para sa 2018

Inihayag ng ilang kinatawan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na tumatanggap na sila ng mga project proposals na pangsining at kultura na ipapatupad sa 2018.

Sa naganap na Kapihan kasama ang mga miyembro ng tri-media ay hinikayat nina NCCA section head Ferdinand Isleta, Committee on Literary Arts Priscilla Macansantos, Committee on Arts Galleries Chit Asignacion at Cinema Film representative Joel Tibaldo ang mga indibidwal na Pilipino pati na rin ang mga organisasyong sibil sa lipunan, indibidwal na samahan ng mga tao, mga grupo ng mga lokal na yunit ng pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, mga unibersidad o kolehiyo ng pamahalaan at mga pampublikong paaralan upang mag-aplay.

Tinatawagan rin nito ang pagpapatupad ng mga kasosyo ng mga proyekto na likha ng ahensiya.

Ang mga proyekto ng NCCA ay ikinategorya sa sining, pamana, pagpapalaganap ng kultura at mga kulturang komunidad at tradisyonal na sining.

Ang mga mapagkumpitensyang gawad ay tumatawag para sa mga panukala tulad sa Subcommission on the Arts (SCA) ay ang mga Architecture and Allied Arts, Cinema, Dance, Dramatic Arts, Literary Arts, Music at Visual Arts.

Sa Cultural Heritage naman ay ang mga Archives, Art Galleries, Historical Research, Libraries and Information Services, Monuments and Sites at Museums.

“At maging ang mga nasa Cordillera sa Ifugao, Bontoc, Kalinga, Apayao at Mountain Province ay inaanyayahan para higit lalong maitaas ang antas ng kanilang kultura na kung saan ay tanging yaman na maipagmamalaki ng mga taga Cordillerans,” ani Macansantos.

Ayon kay NCCA National Artist at Chairman Virgilio S. Almario ay patuloy nilang ginagampanan ang mga mandato sa pagpapanatili, pagbuo at pagtataguyod ng sining at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gawad sa mga proyekto ng sining at kultura.

Ang deadline ng pagsumite ng mga Letter of Intent at proposal ay sa Agosto 31, 2017.

Isumite sa Planning, Policy Formulation and Programming Division (PPFPD) na pinamumunuan ni division chief Bernan Corpuz sa Room 5-B 5th floor, NCCA Building, 633 General Luna Street, Intramuros Manila.

Maaari ring ipadala sa email na [email protected], [email protected], [email protected] at [email protected].

Para sa katanungan sa NCCA Grants Programs ay tumawag sa PPFPD sa direktang linya 522-2084 trunkline no. 527-2192 at sa email add: [email protected] , [email protected] o [email protected]. ABN

Amianan Balita Ngayon