nCov, Tatlo na ang tama sa ‘Pinas!

Lalong nagbigay-kaba sa maraming nerbiyoso, este, mga mamamayan ang ulat na nakatatlo na ang Pilipinas sa nakumpirmang may tama ng N-COV o Coronavirus-ARD. Ito’y pinatunayan ng DOH kamakailan matapos makumpirma na isang 60-taong gulang na Chinese National ang may tama nang pumasok siya sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, dumating sa Cebu ang babaeng Chinese galing Wuhan City noong Enero 20 at mula Cebu, dumeretso ito sa Bohol. Nagpakunsulta ito sa isang pribadong pagamutan sa Bohol noong Enero 22.

Dalawang sample ang kinuha sa babae noong Enero 23 at Enero 24. Ang sample na kinuha sa kanya noong Enero 24 ay ipinadala sa RITM at Australia at kapwa naman nag-negatibo. Dahil sa findings, siya ay nakalabas ng pagamutan at nakabalik sa China noong Enero 31.

Subalit, noong Feb. 3, sinabi ng RITM sa DOH na ang sample na kinuha sa babaeng ito noong Enero 23 ay nagpositibo ng nCOV. Buti na lamang, nasa China na ito. Pero, mga pards…papano na ang mga nakasalamuha niya habang siya’y naririto pa sa bansa?

Maaring sa eroplano, sa Cebu at mga lugal sa Bohol pati na ang pagamutan?

******
Malaking problema nga ang “tracing” o kaya’y paghahanap ngayon sa mga taong nakahalubilo ng pasyenteng ito, di ba, pards? Hindi madali ang paghahanap liban lang kung kusang lumantad ang mga taong dapat hanapin. Pero may problema pa rin tayo kahit na tukoy na ang mga taong nakahalubilo ng biktima.

Isa ay kung gusto niyang magkusa na lumantad o kaya ay magtatago na lamang lalo kung wala naman siyang ubo at lagnat? Dapat sana, ika ng mga doctor…upang hindi na kakalat pa ang sakit na likha ng nCOV, kinakailangang lahat sana ng mga nakahalubilo ng mga kumpirmadong may tama ng nCOV ay makiisa at makipagtulungan.

Magkusa sana sila kahit di na sila hanapin. Kasi sa ngayon, tumutulong na rin ang PNP sa paghahanap sa 331 pasahero ng eroplano na nakasalamuha ng nCOV Chinese Couple na naunang dumating sa bansa bago itong pangatlong biktima.

Susmaryusep…para tayong naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami, di ba? Umasa na lang tayo na sana ay mahanapan sila at mag negatibo silang lahat sa nCOV infection. Idalangin natin mga kabayan.
******
Dagdag na nagpapakaba ngayon sa ating mga kababayan ay ang ulat na may isang Pinoy na seaman, crew ng isang Japanese Cruise ship ang nagpositibo sa nCOV. Siya ang kauna-unahang Filipino na kumpirmadong infected sa naturang virus. Dagdag pa sa ulat na ang Pinoy ay isa sa sampung nagpositibo sa nCOV mula sa naturang Diamong Princess Japanese Cruise ship.

Kasama ng Pinoy ang 2-Australians, 3 Japanese, 3 Hong Kong residents at isang Amerikano. Dinala na sila sa pagamutan samantalang nanatiling naka-kwarantin ang nasa 2,66 na pasahero na ang 428 dito ay mga Amerikano at 1,045 na crew. Tsk tsk…mantakin natin ang abala sa naturang pangyayari. So, isang katotohanan na tama ang sinabi ng WHO na nakaalerto ang buong mundo sa isyu ng nCOV dahil maraming bansa na ang napasok nito samantalang China, Pilipinas at Singapore pa lang ang may namatayan.

Ipagpasalamat nating mga Pinoy na puros mga Tsino ang namatay sa nCOV at wala pa ni isang Filipino. Ang mahalaga, palakasin natin lagi ang ating resistansiya at panatilihing malinis sa sarili at kapaligiran. Adios mi amor, ciao, mabalos!

No Over Reaction

PCSO Lotto Results

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon