NEGOSYANTE SA BAGUIO IPINAALALA IPATUPAD ANG DISCOUNT SA MGA SENIOR CITIZEN

BAGUIO CITY

Niratepikahan ni Mayor Benjamin Magalong ang Resolution No. 430, series of 2023, na kung saan ay nagpapaalala sa tuwirang pagbibigay ng discount sa mga senior citizen sa lahat ng drugstores sa lunsod na kung saan ay nakasaad sa probisyon ng Republic Act no.9994 , na mas kilala bilang ‘Expanded Senior Citizens Act of 2010’ on the grant of senior citizen discounts”. Ang naturang batas ay nagbibigay ng karapatan sa mga senior citizen na may edad 60 pataas na mayroon silang
prebilihiyo at mga benipisyo na mabigyan sila ng 20 porsiyento na diskwento sa lahat ng kanilang bibilhin sa lahat ng drugstore at iba pang mga establismento sa lunsod at maging sa ibang pook.

Kaliangan umanong magbigay ng diskwento ang mga establismeyento omga drug store sa mga senior citizen kapag naipakita nila ang kanilang mga dokumento na nagpapatunay na sila ay senior
citizen. Ipinapaalam din ng nasabing resolution na kailangan na bigyan ng orientation ng may ari ng drug store o iba pang establismeyento ang kanilang mag empleyado upang malaman ng mga empleyado ang mga karapatan at benepisyo ng mga senior citizen.

PIO-Baguio/Gaby B.Keith

Amianan Balita Ngayon