NEGOSASYON NDFP AT GRP ITULOY NA!

Napakarami ang nagbubunyi sa narating na panimulang pag-uusap ng pamahalaang Marcos Jr. at
National Democratic Front of the Philippines sa Oslo, Norway na nagbibigay daan sa maaring pagbubukas muli ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng dalawa. Ngunit malinaw kaya sa panig ng pamahalaan na mayroon nang mga kasunduan gaya ng Joint Agreement on the Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights
and International Humanitarian Law (CAHRIHL) na tiyak namang paninindigang ng NDFP na dapat sundin?

Malinaw din ba sa kasalukuyang pamahalaang Marcos Jr. na hindi na kailangang mag-umpisa pa sa wala ang usaping pangkapayaan kung magtutuloy na nga ito dahil mayroon nang nakaumang na
nagawang Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER) bago kitilin ng pamahalaang Duterte ang usapan noong 2018? Kung malinaw ang unang dalawa, at nakaumang na
mapirmahan ang pangatlong kasunduan, hindi na malayo pang sumunod na paguusapan ng magkabilang panig ang pangatlong nasa agenda na Comprehensive Agreement on Constitutional and Political Reforms (CACPR) bago ang panghuling Comprehensive Agreement on the Cessation of Hostilities and Disposition of Forces (CACHDF).

Kapag nangangarap ang pamahalaan ng ceasefire (cessation of hostilities), tiyak malalagay na naman sa alanganin ang naumpisahang pag-uusap sa Oslo, Norway, dahil tiyak na igigiit ng NDFP
na sundin ang mga pinagusapang pagkasunod-sunod na agenda upang maugat ang pundamental na rason ng pagrerebolusyon sa bansa. Ang mga unang kasunduang JASIG at pagkasunod-sunod ng 4 na laman ng agenda ay bunga ng masusing pag-uusap ng mga kinatawan ng pamahalaan at
NDFP. Nararapat lamang na ito’y igalang ng bawat kabahagi sa usapan.

Hindi na makatarungan para sa taumbayang sabik na sabik sa hustisya at kapayaan na bumalik pa muli sa zero ang negosasyon, dahil mangangahulugang nagsayang lang ang pamahalaan ng rekurso
at talino samantalang mangangahulugang hindi tuwirang pag-resolba sa ugat ng rebolusyon sa bansa ang pakay

Amianan Balita Ngayon