New Era Peoples TGPJR Assistance Group Inc sa Pangasinan kumakalinga sa mahihirap

URDANETA CITY – Ang pagtulong sa mga kapus-palad ang layunin ng isang grupo na kung tawagin ay New Era Peoples TGPJR Assistance Group Incorporated.
Umabot na rin sa apat na katao ang kanilang nabigyan ng financial assistance na nagkakahalaga ng P40,000 bilang burial assistance.
Aabot din sa pito katao ang nabigyan ng medical assistance na pawang mga miyembro at kapamilya ng nasabing organisasyon.
Ayon kay Jun Palaganas, founder ng New Era Peoples TGPJR Assistance Group, nabuo ang kanilang samahan mga tatlong taon na ang nakakaraan. Aniya, ang layunin ay magtulungan ang bawat miyembro sa aspetong pangkabuhayan o livelihood assistance.
Aniya, halos umaabot na rin sa 50,000 ang kanilang miyembro hindi lang sa lalawigan ng Pangasinan kundi maging sa lungsod ng Baguio na umabot na rin sa 3,000 mula sa iba’t ibang barangay.
“Naniniwala ako na ang pagtutulungan ng bawat isa ay magkakaroon ng isang matatag na samahan na ang bunga ay maayos na livelihood program na magiging pakinabang ng bawat miyembro,” paliwanag ni Palaganas.
Sinabi pa niya na ang kanilang grupo ay nakabase sa Sto. Domingo Dona Olympia Subd., Urdaneta City sa lalawigan ng Pangasinan.
Ipinagmalaki naman ni Palaganas na ang kanilang foundation ay duly registered sa tanggapan ng Security and Exchange Commission Reg.CN2017. At siya ang founder ng naturang foundation.
Ang mga opisyal ng grupo ay pinangunahan ni President Soniata De Vera, Vice-President Apolonia Regua, Secretary Sunshine A. De Vera, Treasurer Fanny G. Vias, Chairman of the Board Glorificador P. Pablo; at ang mga Board of Directors na sina Thom F. Picana, Prudencia Origines, Israel T. Viloria, Danilo G.Aguilar, Virgilio D. Mendoza Jr., Rogelio L. Sabado, Arnel Sanchez; ang mga Board of Trustee naman ay sina Diony M. Narvarte, Juanito G. Caniete, Rodolfo G. Tolentino, Araceli N. Bautista, Gloria C. Marcadejas; Auditor Marivic C. Gines, Leonardo Fernandez at Lolita Nazaire.
Idinagdag pa ni Palaganas na ang kanilang foundation ay bukas sa mga nais maging miyembro at handang tumulong sa kanyang kapwa. Thony Quidangen / ABN

Amianan Balita Ngayon