NFA-Ilocos Norte nag-umpisang bumili ng palay sa P20.40

Feb 4, 2019

LUNGSOD NG LAOAG – Ipinahayag ng National Food Authority (NFA) sa probinsiya ng Ilocos Norte na inumpisahan na nilang bumili ng palay mula mga lokal na magsasaka rito sa P20.40 hanggang P21 kada kilo.
Ipinagbigay-alam ni NFA-Ilocos Norte Provincial Manager Eleanor A. Andres sa mga magsasaka na magbibigay ang gobyerno ng mga insentibo sa mga indibiduwal o grupo ng mga magsasaka na magbebenta ng kanilang ani sa NFA.
Sa ilalim ng new procurement initiative ay magbibigay ang NFA ng karagdagang P3 kada kilo buffer stocking incentive (BSI) maliban sa iba pang umiiral na insentibo na karagdagang P0.70 at government support price na P17 bawat kilo.
Ang 70 sentimos kada kilo na insentibong ibinibigay sa mga magsasaka na binubuo ng isang 20 sentimong drying incentive, 20 hanggang 50 sentimo na delivery incentive depende sa distansiyang kilometro kung saan nagmumula ang palay at 30 sentimo cooperative development incentive fee para sa mga asosasyon na kinabibilangan nila.
“We are encouraging our farmers to sell their produce and avail of the NFA’s new procurement program for palay, which was launched in response to the clamor of farmers to increase the P17 per kg. buying price which was implemented for the past 10 years,” ani Andres.
Sa Ilocos Norte, ang NFA buying station ay nasa Barangay 2, Sta. Joaquina, Laoag City.
Sa ngayon ay ilang magsasaka ang nag-umpisa nang mag-ani ng palay subalit mas pinipili nilang ibenta ito sa mga pribadong rice traders na binibili ito sa mas mataas na presyo.
Ang NFA na ahensiyang nakakabit sa Opisina ng Presidente ay may mandatong siguruhin ang seguridad ng pagkain ng bansa at patatagin ang suplay at presyo ng pangunahing pagkain na bigas kapuwa sa panig ng sakahan at consumer.
Bumibili ang NFA ng palay sa mga magsasaka hindi para lamang patatagin ang presyo sa farm-gate kundi pahusayin pa ang stockpile nito.
LAdriano,PNA/PMCJ/ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest