Ang National Irrigation Administration (NIA) ay gumawa ng contingency measures upang mabawasan ang mga epekto ng El Niño phenomenon sa mga taniman sa rehiyon ng Ilocos. Sinabi ni NIA Ilocos acting Regional Manager Danilo Gomez na ang regional office ay ikinasa ang tatlong mga hakbang gaya ng pagbabago sa cropping calendar, direct seeding, at paglipat sa ibang high-value crops na nangangailangan ng mas kaunting tubig gaya ng mais, tabako, monggo, at mani.
Sinabi ni Gomez na ang kanilang unang hakbang ay baguhin o i-adjust ang cropping calendar sa Abril sa pakikipag-usap sa mga magsasaka. “At the moment, yong program area namin ay 91 percent irrigated. Hopefully, nitong July ay matatapos na yong transplanting. Ang harvest ay mula October hanggang November. Yong sa second crop, don na talaga natin ipo-focus yong mitigation sa El Niño kasi magse-set in ang El Niño sa last quarter ng 2023,” aniya sa isang panayam noong
nakaraang Huwebes.
Sinabi ni Gomez na inirekomenda nila ang direct seeding ng palay upang hindi na kinakailangan ang paglilipat ng tanim (transplanting) gayundin ang paglipat sa ibang high-value crops. Ganunpaman, sinabi niya na inaasahan na ang produksiyon ng bigas ay tatamaan ng hanggang 50
porsiyento sa panahon ng tagtuyot. Sinabi ng opisyal ng NIA na ikinokonsidera din nila ang paggamit ng mga fire truck upang mag-rasyon ng tubig sa mga irrigation canals bilang isa sa mga paraan upang mabawasan ang hagupit ng tagtuyot.
“Kung kinakailangan mag-hire tayo ng fire trucks para para mailagay lang yong tubig sa kanal, gagawin natin .At yong mga nandiyan na water pumps na ipinamigay sa mga irrigators’ associations, pwede nating gamitin para ma-achieve ang zero stress,” ani Gomez. Si Gomez ay ang dating division manager ng La Union Irrigation Management Office (LUIMO) na nanumpa sa kaniyang tungkulin para sa kaniyang bagong posisyon noong nakaraang Miyerkoles.
Sa turn-over ceremony ay sinabi ni NIA Senior Deputy Administrator Robert Suguitan, na ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay “zero stress” sa irrigation. “Sa Region 1, dapat zero stress in irrigation services. Wala dapat ma-stress na taniman. Ang mensahe ay naipahatid sa inyong Irrigation Management Office (IMOs) dividion managers. Gawin natin ang lahat ng makakaya natin,” aniya.
(LY-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
August 5, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024